^

PSN Showbiz

Rhian walang pretension!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian walang pretension!

I love Rhian Ramos.

Isa siya sa favorite person ko sa showbiz. Hindi ko ma­lilimutan na isa siya sa mga artista na nagbigay oras kay Bong Revilla nang nasa Crame ito.

I love her, no pretensions outlook sa buhay, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya without hurting anyone basta true to herself siya.

Very friendly din siya at magalang, plus mukhang ang talino niyang tao.

Ang husay niyang magdala ng damit at meron talaga siyang taste sa fashion. Ang husay din niyang umarte kaya dala niya ang role na ibinibigay sa kanya. Very loyal siya kaya naman you always see her being surrounded with people na mula pa noon ay kasama na niya.

Kahit hindi kami nagkikita madalas, Rhian Ramos will always have a special place in my heart. Nasa serye siya kasama nina Coney Reyes, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Carla Abellana na Love of My Life, na ipalalabas na next week sa GMA 7. Watch it. 

Dingdong complete package, Bong nakaharap ang mga kaibigan

Hectic ang Martes ko ha. Meron promo ang concert nina Christian Bautista, Aicelle Santos at ang ever favorite ko na si Mark Bautista, naka-chika rin natin sina Sen. Bong Revilla and Mayor Lani Mercado at sa gabi si Dingdong Dantes para naman sa Descendants of the Sun.

Special din today ang feeling ko. Parang deja vu na humarap si Sen. Bong sa mga movie press.

For almost four years and a half, sa Crame ko siya nakikita. Now, parang Araw ng Kalayaan. Heto siya sa gitna ng mga taong lagi niyang kasama sa daigdig ng pelikula at TV.

Admitted ako na mas comfortable siya sa crowd na ito, na mas feeling family siya dahil he is among friends. Nung dinadalaw ko siya sa Crame, kahit naka-smile siya pag nakikita ang mga dumadalaw na taga-showbiz, alam mo na miss na miss na niya ang mga kasamahan. Kaya nga sure ako, laging nasa alaala niya ang mga hindi nakalimot sa kanya. Tinatanaw niyang utang na loob na pinupuntahan siya at si Jinggoy Estrada sa Crame.

Excited na excited naman ako sa project na ito ng GMA-7 dahil ito ang koreanovela na naging dahilan ng addiction ko. At sa trailer pa lang, parang iyong adaptation ang nakikita ko ay parang ‘yun original pero meron siyang kaibang kilig.

Ang pogi rito ng mga artistang naka-uniform ng sundalo, kahit yung team ng mga doctor, ang popogi rin.

Bagay din kay Jennylyn Mercado ang role na doktora. Basta sure ako this TV series will make the viewers enjoy watching.

Congrats kay Dingdong for being a legitimate member ng Philippine Navy, so proud of his achievement. Mabait na, guwapo pa. Mahusay na artista, mabuting tao, responsableng ama at asawa.

Wow, complete package talaga, lucky Ma­rian Rivera at lucky Dingdong for having a wife like Marian, and kids like Zia and Ziggy. 

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with