^

PSN Showbiz

‘Si God lang ang may alam’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Si God lang ang may alam�
Kobe & Gianna

Kahit hindi ako mahilig sa basketball, masyado akong nalungkot sa pagkamatay ni Kobe Bryant at ng kanyang anak na si Gianna.

Tuwing napapanood ko ang mga inilalabas na video nina Kobe at  Gianna, ang mga moment magkayakap sila, hinahalikan niya ang anak, very tender na inaakbayan at nakikipaglaro, nagkakaroon ako ng lump sa throat.

Ang lakas maka-sad ng mga video nila, pati ng kanilang mga photo na lumabas.

Kapag naiisip ko ang moment na babagsak ang helicopter na sinasakyan nila, pumapasok sa utak ko kung paano siguro niyakap ni Kobe nang mahigpit ang kanyang anak para proteksyunan.

Baka ang moment na ‘yon ang hinihiling niya na kahit mawala siya, mabuhay lang si Gia­nna. Siguro, at that moment, ang fear na baka masaktan ang anak niya ang mas unang naisip ni Kobe.

I don’t know kung God spared Kobe the pain kaya sabay Niya na kinuha ang mag-ama. May kasama sila na mag-ama na namatay din.

‘Yun ang moment na alam natin na wala tayong magagawa para maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay.

‘Yun pala ang reason why I feel so sad, the thoughts of helplessness, of giving up, of wishing na sana ikaw lang ang masaktan, ang nadarama mo kapag nasasaktan ang mahal mo.

Wow, talagang you can only leave everything to God. Siya lang ang may alam kung bakit nangyari iyon. Trust God.

‘Hindi kailangan ng marami, kahit isa basta trustworthy’

May nakuha na naman ako na aral sa Koreanovela na napanood ko, ang art of winning over your enemy.

Dapat pala hindi ka lumalaban head on, dapat pala unti-unti you take out the power ng kalaban mo, hanggang totally wala na siyang defense.

Kung noon ko pa alam ‘yon, siguro hindi ako nagkaroon ng image na mataray at palaaway.

Confrontational kasi ako, ayoko na itinatago ang feelings ko so kung meron akong galit, inilalabas ko.

Kapag meron ako gustong i- clear out hinaharap ko agad. Mali pala ‘yon dahil ang nangyayari, ang energy mo dahil nga sa galit mo nailabas mo agad, kaya una kang manghihina at lalabas pa na agressor.

Kaya ang perception, ikaw ang nauna, ikaw ang maldita at kontrabida. Dapat pala, silently, pinahihina mo ang kaaway mo.

Pero naisip ko rin na I love where I am now, who I am now, no regrets. Kung bully, kontrabida at maldita ang perception sa akin, okey lang dahil at least, when I fight head on.

What I can say behind your back, puwede ko sabihin sa harap mo. I take full responsibility sa actions ko.

I admit when I commit mistakes, I take the blow. No regrets. Sabi nga sa napanood ko na Koreanovela, hindi mo kailangan ang maraming kakampi basta may isang naniniwala, nagmamahal at may respeto sa’yo, tama na ‘yon.

Parang kapag wala kang pera, tingin mo sa piso isang milyon, ganoon ang halaga ng isang tao.Hindi kailangan nang  marami, kahit isa lang pero trustworthy, okey na.

vuukle comment

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with