Ate Vi
Ate Vi nanawagan pa ng dagdag na tulong sa mga taga-Batangas
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Puro pasasalamat sa lahat ng mga tumutulong ang sinasabi ni Congresswoman Vilma Santos ngayon, at sinabing maski siya ay nagulat sa naging response ng mga tao para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal volcano, bagama’t wala pa ang sinasabing malaking pagsabog.

“Talagang nagugulat ako, kasi ang karaniwang naririnig natin sa mga disaster response, karamihan ay effort ng gobyerno na siya namang tama. Tapos ang madalas na tumulong iyong mga media agencies na gumagawa noon bilang public service. Pero ang talagang nakaka-touch ay makikita mo iyong mga pribadong tao na kung saan-saan nangga­ling may dalang mga pagkain, damit at iba pang pangangailangan sa mga evacuation centers para makatulong.

“Napakabilis din ng response pati ng simbahan, iniutos agad ng aming arsobispo na buksan ang lahat ng mga simbahan para sa evacuees, at maging mga pari at madre kumilos nang mabilis para makakuha rin ng isusuporta nila sa evacuees. Hindi iyan normal, ang madalas sa mga iskuwelahan lang talaga dinadala ang mga nag-eevacuate.

“Ang problema lang, mukhang magtatagal pa ang krisis na ito. Hindi ka puwedeng umasa lamang sa mga nagdo-donate dahil basta nakapag-donate na sila, hindi mo sila matatawagan ulit na magdala pa ng tulong. Nasa kanila na iyon. Ngayon may mga evacuation center nang nag-aalala, lalo na iyong mga nasa malayong mga bayan, medyo kakapusin na sila ng supply kung matatagalan pa ang krisis.

“Kami sa congress, minamadali na namin ang contingency fund, approved na nga iyon. Pero nananawagan pa rin kami sa mga may kakayahan pang tumulong, dahil hindi talaga makakaya kung kami lang ang kikilos diyan,” sabi ni Ate Vi.

Mike Tan mas protektado ang misis kesa sa anak

Napansin lang namin iyong isang post sa social media, dalawang taon na palang may asawa si Mike Tan. May anak na rin naman siya. Ang anak niya, saganang-sagana sa pictures sa social media, pero ang misis ni Mike Tan, hindi nakikita.

Kahit na noong magpakasal sila, walang nakitang pictures ng misis niya. Lahat yata ng pictures ay nakatalikod. Ang katuwiran ni Mike, ang kanyang asawa ay isang private person at ayaw niyang ang buhay noon ay malantad pa sa publiko.

Kung minsan iisipin mo, bakit hindi niya naisip na ang kanyang anak ay isang private person din?

Pero karapatan nila iyon eh. Kung ayaw ba niyang makilala ng mga tao ang misis niya, o kung may iba pang dahilan at itinatago niya iyon, wala na tayong pakialam.

Aktres naloka nang madiskubreng high-class escort ang dyowang actor

Ang talagang naging matinding dagok sa isang female star ay noong may isa siyang kakilalang gay na nagsabi sa kanya at nagpatunay na suma-sideline nga ang kanyang boyfriend. Kasi naka-date pala ng kaibigan niyang bading ang boyfriend niya, may bayad naman siyempre.

Ano man ang sabihin ninyo, masakit para sa isang babae na malaman na ang boyfriend pala niya ay isang high-class escort, at mabuti nga kung escort lang. Marami pa siyang ibang nalaman.

Siya nga pala, ngayon ay simula ng lunar new year. Year of the Metal Rat. Sa lahat ng aming mga mambabasa ang aming pagbati, xin nian kuaile. Gong xi fa cai.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with