Issa
‘Everything is 100% FALSE’ – Issa
Debbie Castillo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — ‘Tinapos na ni Issa Pressman ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng recent shadow photo na uploaded sa kanyang Instagram account.

Si Issa ang kapatid ni Yassi Pressman na napagbibintangang third party sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Hindi man direktang sinagot ni Issa ang issue, mapapansing tungkol ito sa pagde-deny.

“If I stay silent, I’m ‘guilty’. If I stand up for myself, I’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick,” caption pa ni Issa.

Aniya ay mas mabuti na lang na mag-move on.

Maraming personalities ang nag-cheer sa post na iyun ni Issa tulad nina Sam Concepcion, Leila Alcasid, Tim Yap at Gab Gibbs.

Bago ito, nauna nang ipinagtanggol ni Yassi ang kapatid sa bashers.

“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panoorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.”

Nagkakasundo ang ibang fans na hindi na dapat pang patagalin ang issue na ito since nauna na rin itong pinabulaan ni Nadine at dapat ay mag-focus sa news tulad na lamang ng pagpasok ng Coronavirus sa Pilipinas.                                     

ISSA PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with