Aktres na pinagkakitaan ng ex na hunk actor, rich na rich na ang peg
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Bumida ang isang kilalang female personality sa isang umpukan. May pagka-suspense ang tema ng kanilang kuwentuhan. Tungkol ‘yun sa ginagawang pagri-research diumano ng female personality kung sinu-sino ang mga yayamaning puwede niyang makarelasyon.

Kuwento ng isang source sa umpukan ay masyado na kasing nasaktan ang babaeng personalidad sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Reaksiyon ng isang source, “Kasi nga, di ba, naging masaklap ang karanasan niya nu’n sa isang male personality na sa kanya lang naman pala umaasa pati ang family ng guy?

“Nahihiya lang siyang umamin, pero ‘yun ang totoo, habang magkarelasyon sila nu’ng hunk actor, e, gasgas na gasgas naman ang bulsa niya!

“Nagdedenay pa ang family ng guy, pero maraming nakakaalam na talagang palaasa lang ang pamilya niya sa nagiging girlfriend niya!” diretsong kuwento ng impormante.

Dahil sa ganu’ng sitwasyon ay nagising na kuno sa katotohanan ang female personality. Sa ganda niyang ‘yun ay kailangan siya ang may mapala sa pakikipagrelasyon.

Kuwento naman ng isa pang source sa umpukan, “Mula nu’n, natuto na siyang mag-research, nagbabasa na siya ng mga business magazines, broadsheet na ang binabasa niya para malaman niya kung sinu-sino ang mga yayamaning anak ng mga business tycoon!

“Aba, bakit nga naman? Sa ganda ba naman niyang ‘yun, e, papayag siya na ginagawang azucarera de mama ng mga nagiging karelasyon niya? Napakabata pa niya para maging matrona!

“Hindi siya makapapayag na hipatin lang ng lalaki ang mga pinaghihinrapan niya! Nagpapakapuyat siya at nagpapagod sa shooting, tapos, gegetlakin lang ng guy ang mga pinaghihirapan niya?

“No puwede na! ‘Yun ang itinanim ng girl sa utak niya, it’s about time na siya naman ang magkaroon ng magandang buhay mula sa boyfriend niya!

“O, di ba naman, naging successful ang girl? Minsan, e, nakita siyang sinusundo sa airport ng sasakyang bonggang-bongga! Rich na rich ang da­ting ng magandang girl!

“Nagtagumpay ang pagri-research niya! Nakatagpo siya ng lalaking gagawin siyang reyna, ng yayamaning guy na magbibigay sa kanya ng lahat-lahat!

“Kahit hindi na siya magtrabaho, e, buhay-reyna na siya! Rich na rich na talaga ang peg niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

AiAi, itinuturing na regalo ng Diyos ang asawang si Gerald

Hawak ngayon ni Gerald Sibayan, mister ni AiAi delas Alas, ang kanyang lisensiyang makapagpalipad ng private plane.

Kailangan niyang mag-level-up sa mga darating na buwan, lisensiya naman ng pilotong makapagpapalipad na ng commercial plane ang kanyang inaasinta, hindi ‘yun imposible dahil masikap ang asawa ng Comedy Concert Queen.

Kuwento ni AiAi, “Nu’ng nag-aaral pa lang siya sa La Salle, e, nakita ko na kung gaano siya kadeterminadong makapagtapos. Gumigising siya nang madaling-araw para hindi mahuli sa school niya.

“Pagkatapos niya sa school, takbo naman si Gerald sa pagte-training ng mga members ng national team sa badminton. Sabi ko, grabe ang taong ito, talo pa ako sa professionalism!” masa­yang kuwento ni AiAi.

Mas bata siya kesa sa komedyana, pero ang takbo ng kanyang isip ay daig pa ang matanda, isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ni Gerald Sibayan.

“Kahit po nu’ng magka­kilala kami, e, hindi ko naman ti­ningnan ang wife ko na sikat. Ordinary lang. Hindi po ako affected ng popularity niya,” sabi ni Gerald.

Mabilis na sagot ng komed­yana, “Napansin ko ‘yun! Parang balewala lang sa kanya ang mga naging achievements ko! Parang wala lang, basta laro lang kami nang laro ng badminton!” tawa nang tawang reaksiyon ng bumibida sa pelikulang D’Ninang na palabas na bukas.

Aminado si AiAi na regalo sa kanya ng Diyos si Gerald, “Mabait siya, very low key, walang kaepal-epal. Trabaho lang siya nang trabaho. Ako pa nga ang talakera, e!”

Hindi naaapektuhan ng mga bashing ang mister ng komedyana. Kilalang-kilala niya kasi ang kanyang sarili, alam niya na hindi siya umaasa lang sa kanyang misis, matatag ang pundasyon ng kanyang mga pangarap.

“May lisensiya na siya, nailipad na niya ako. Nervous, siyempre, pero nu’ng makita ko na siyang nagpipiloto, naku, proud na proud na ako!” kumpiyansang komento ng nag-iisang Comedy Concert Queen!

FEMALE PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with