Female news anchor ginugutom ang driver
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Kapag magkakaumpukan ang mga piloto ng mga artista ay du’n nalalaman ng mga nakapalibot ang tunay na ugali ng kanilang pinagseserbisyuhan.

Hindi naman sila tsismoso, pero madaling malaman kung sinu-sinong personalidad ang mapuso sa kanilang mga tauhan, du’n mo rin malalaman kung walang pakialam ang kanilang ipinagmamaneho.

Bumibida sa ganu’ng kuwentuhan ang isang kilalang female personality sa linya ng pagbabalita. Pormal ang dating ng babaeng personalidad dahil hindi puwedeng tumawa o ngumiti ang news anchor.

Kuwento ng aming source, “Naaawa ang mga drivers ng ibang personalities sa piloto niya. Kasi, nagbabaon ng food ang driver niya.

“E, sa dami ng iniikutan nilang lugar, napapanis na ang baon nu’ng driver niya. Hindi siya nagbibigay ng extra amount para ipangkain ng piloto niya kapag napapanisan na ng baon.

“Nagugutom ang piloto niya, nanglalata, kaya kapag back to the studio na sila, e, ang mga piloto ng ibang personalities ang nagpapakain sa kanya!

“Walang maaasahan sa napakakuring na female news anchor na ‘yun! Sarili lang niya ang iniisip niya, wala siyang pakialam sa driver niya!” umuusok ang ilong sa inis na kuwento ng aming impormante.

Kunsabagay, kahit naman sa kanyang mga katrabaho ay ganu’n din ang female news anchor, maraming nakakapansin sa pagiging sarado ng kanyang mga palad.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, kailangang mag-ambag-ambag ang mga news anchors para sa isang party. Naku, pahirapan siyang magbigay, parang kontrang-kontra sa kalooban niyang mag-chip-in!

“E, kakain din naman siya sa party, malakas pa nga siyang kumain kahit ganu’n kaliit ang katawan niya! Super-kuring ang babaeng ‘yun!

“Para hindi na siya magbigay ng tip sa hairdresser, e, siya na lang ang nagbo-blower ng hair niya! Siya na rin ang nagme-make-up sa sarili niya, kasi nga, e, ayaw niyang maglabas ng datung!

“Minsan siyang na-link sa isang mataas na opisyal ng bansa natin, ‘yun lang naman ang naging claim to fame niya, di ba? Dahil du’n, kaya siya nagkaroon ng show!

“Hindi na siya masyadong active ngayon, nagbi-business na lang siya, ‘yun naman talaga dapat ang linya niya, dahil hindi siya marunong makisama!

“Kunsabagay, iba naman kasi ang kinalakihan ng babaeng ‘yun, meron siyang dugong banyaga, kaya siguro, ang akala niya, e, kuripot din ang mga Pinoy na tulad niya!

“Hindi siya graceful magsayaw, hindi rin siya sanay sa grace under pressure!” madiing pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Ubos!

Sharon tinatamad na namang mag-exercise, abala uli sa pag emote sa social media

Mismong mga tagahanga na ni Sharon Cuneta ang nagpapayo sa kanilang idolo na huwag nang post nang post ng mga kuwentong hindi naman kailangan sa kanyang social media account.

Nakakatawa nga ang komento ng isa, “Ang idol ko talaga, tinamad na namang mag-exercise, tumira na naman sa harapan ng machine niya, post na naman nang post!”

Pagkontra sa kanyang emosyon ang payo ng marami sa Megastar, kailangan niyang ilagay sa tamang lugar ang kanyang mga sama ng loob, du’n kasi nalaman ng publiko na matagal na pala silang may samaan ng loob ng kanyang panganay na si KC.

Sabi naman ni prop, “Sa tagal na ba naman niya sa showbiz, e, hindi pa ba niya alam ang kalakaran sa mundong pinasok niya? Ilang dekada na siyang artista!

“Alam niya naman na naghihintay lang ng chance ang mga bashers para upakan siya, pero hindi pa rin siya nag-iingat! Tama bang ilaglag niya ang panganay niya on national television?

“Kung hindi siya Megastar, kung hindi siya sikat na artista, e, okey lang ‘yun! Pero anything na sabihin niya, e, siguradong pipik-apin ng mga bashers!

“Ano ngayon ang nangyari sa kanya? Basura niya, bumalik mismo sa kanya!” paliwanag ni prop.

Emosyonal si Sharon Cuneta. Isa siya sa mga personalidad na sa isang pitik lang ng daliri ay tabu-tabo nang luha ang iniiyak niya sa harap ng mga camera, pero may punto rin ang kanyang mga tagasuporta.

May tamang lugar para sa lahat ng uri ng emos­yon. May pangpubliko at may pangpersonal lang.

DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with