Daniel
Daniel mas inuna si Charo kesa kay Kathryn
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Kumpirmadong isang bagong teleserye ang pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayong taon. Matagal na ring inaabangan ng KathNiel fans ang muling pagbabalik sa telebisyon ng magkasintahan.

“Actually hindi pa namin alam kung ‘yon ang final title. Pero pina-finalize pa lahat,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Ibang-iba na raw ang mga karakter na gagampanan ng KathNiel sa bagong serye kaya kailangan itong pakaabangan ng kanilang mga tagahanga.

“Siguro it’s gonna be something fresh. Kasi medyo matagal rin kami hindi nakapagtrabaho and ngayon, may trabaho ulit kami. Siyempre iniintay rin namin ‘to mangyari. And we’re sure na ang fans, very excited rin na makita kami magkasama. Personally excited rin kami magtrabaho ulit,” paglalahad ni Daniel.

Samantala, excited na si Kathryn sa bagong pelikula ng aktor na Whether the Weather is Fine kung saan ay kasama ni Daniel si Charo Santos-Concio.

“Excited ako dito para sa movie niya, ibang team. Dumalaw ako sa set niya, and hindi siya ‘yung the usual na usually ‘pag Star Cinema, kilala mo lahat. Ito as in younger ‘yung sa story and sa set nila sobrang ganda. So kailangan nilang abangan,” pagtatapos ni Kathryn.

Isang pelikula rin ang nakatakdang gawin ng KathNiel bago magtapos ang 2020.

Kiray pumiyok na iniwanan ng ex dahil ayaw makipag-sex

Mahigit isang buwan ng kasintahan ni Kiray Celis si Stephan Estopia at masayang-masaya raw ang relasyon ng dalawa ngayon.

Matatandaang tumagal ng tatlong taon ang relasyon ng aktres at unang kasintahan nito bago pa tuluyang nagkahiwalay noong isang taon. “Guwapo talaga ang boyfriend ko ngayon. Very proud ako, super proud. Well loved siya sa social media. No’ng pinost ko nga siya ang daming nainggit dahil sobrang haba ng hair ko. Very lucky talaga ako kasi sobrang bait talaga niya,” natatawang pahayag ni Kiray.

Proud na proud din ang aktres dahil kahit umabot ng tatlong taon ang relasyon nila ng unang naging kasintahan ay nanatili siyang virgin. “Hindi ako kinulit, hindi ako kinulit no’n, maayos naman siya. Hindi rin siya aggressive sa akin. Normal naman sa lalaki ang ganyan, ang magyaya ng gano’n pero kailangan mong i-explain sa kanila ano ang priorities mo,” pagtatapat ng dalaga.

Ayon kay Kiray ay posibleng isa sa mga dahilan ng naging hiwalayan nila ng dating nobyo ay ang pagtanggi niya sa gustong mangyari ng binata. “Siguro factor, kasi lalaki siya ‘di ba? May hinahanap sa isang babae. Hindi ako galit sa ex ko. Dapat ang mga past relationship or mga past na tao sa buhay mo dapat nagiging thankful ka sa mga ‘yon. Kasi kung ano ako ngayon, kung gaano ka-strong ngayon dahil sa kanya ‘yon,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with