Magandang female personality pinagdududahan ang pagkakawang-gawa!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Sinseridad ang unang-unang nakikitang dahilan ng mas nakararami kung bakit kapag may ginagawang charity work ang isang pamosong female personality ay maraming nagdududa sa kanyang ginagawa.

Galing naman sa puso ang ginagawa niyang aksiyon, matindi naman ang mga ginagawa niyang effort sa pag-ayuda, pero bakit nga ba kadalasan ay kinukuwestiyon pa rin ang mapuso niyang pagtulong.

Ang magandang female personality ang naging sentrong paksa sa isang malaking umpukan, may kani-kanyang opinyon ang mga nandu’n kung bakit, totoo bang pakitang-tao lang ang mga ginagawa niya?

Sabi ng isang miron, “Hindi niya naman kasalanan kung ipinanganak man siyang mayaman. Hindi niya ‘yun pinili, nu’ng isilang siya, e, talagang may nakasubo na pangyayamaning kutsara sa bibig niya.

“Hindi rin niya kasalanan kung nabibili niya ang lahat ng mga branded products na ginugusto niya. Mayaman ang pamilya nila, kumikita rin siya ng sarili niyang pera, sisisihin ba siya nang dahil lang du’n?” maganda ang puntong idiniin ng unang source.

Pero pagkontra naman ng iba ay halatadong hardsell ang ginagawang pagtulong ng female personality, lumalabas lang siya para ipaalam sa publiko na may maganda siyang puso, pero kapos naman siya sa sinseridad.

Komento ng isa pang source sa umpukan, “Nakakaawa nga siya, e. Tumutulong na nga siya, e, pinagdududahan pa! Pinagko-compare sila nu’ng isang female perso­nality na palaging tahimik lang sa mga ginagawa niyang pagtulong.

“Sinasaluduhan ang girl, maraming humahanga sa maganda niyang puso, itinutulak pa nga siyang kumandidato sa next election. Ganu’n ang pagsaludo sa kanya.

“Pero itong isang female personality, kapag tumutulong siya, e, bina-bash pa siya, pinagdududahan, tama na raw ang mga pakitang-tao niyang ginagawa.

“Kailan ba kasi sinsero ang pagtulong at kailan din kung pakitang-tao lang? Kunsabagay, siya rin naman kasi ang umo-over! Tama bang ipagbanduhan kasi siya sa buong mundo kung magkano ang amount ng OOTD niya?

“Ayun, du’n din tuloy siya hinuhusgahan! Wala tuloy nakikitang sinserity sa pagtulong niya ang publiko! Mapuso na nga ang ginagawa niya, pero may mga nagsasabi pa ring all for show lang ‘yun!

“Haaay, saging lang ang may puso!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden ayaw bigyan ng katahimikan ng bashers

Apektado ng pagputok ng bulkan ang restaurant ni Alden Richards sa Tagaytay. Malaki ang ginawang pananalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa Concha’s.

Umalis si Alden papuntang Japan isang araw bago naganap ang pagsabog. Kinabukasan ay naligalig siya dahil balitang-balita na ang pag-aalburuto ng bulkan.

Ang mga walang magandang ginagawa sa kanilang buhay, ang mga bashers, ay pinuruhan agad ang Pambansang Bae sa senaryo.

May pa-picture-picture pa raw siya sa Mt. Fuji, samantalang may delubyo na sa Pilipinas, hindi raw siya nagpapairal ng puso lalo na’t napakaraming kababayan natin sa Batangas at mga kalapit-pro­binsiya ang sinasalanta ng Taal.

Nakakatawa. Meron bang nakakaalam kung kailan puputok ang bulkan? Meron bang announcement kung kailan sasabog ang dating nananahimik lang na bulkan?

Kahit nga ang mga opisyales ng Phivolcs ay nagulantang dahil walang pahimakas ang bulkan na mag-aalburoto pala. Si Willie Revillame nga, nagpapalipad pa ng kanyang helicopter, nawindang din ang aktor-TV host dahil ang napakagandang tana­win habang nasa ere sila ay biglang naging galit na galit na bulkan na pagkatapos lang nang ilang oras.

Bakit kailangang sisihin si Alden sa pagbabakasyon niya sa Japan? Wala ba siyang karapatang makatikim ng pahinga dahil sa halos ilang buwan niyang pagtatrabaho nang sagaran?

Mabuti na lang at hindi ipinaglihi sa patola ang singer-actor, labas-pasok lang sa magkabila niyang tenga ang mga negatibong pagpansin laban sa kanya, na dapat lang naman dahil walang positibong magagawa ‘yun sa kanyang buhay at career.

May magandang puso si Alden Richards, siguradong sa mga panahong ito ay marami na siyang natutulungang biktima ng Taal, pero hindi lang niya ‘yun ipinagmamakaingay.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with