^

PSN Showbiz

James at Nadine panay ang pagpapakita, walang news blackout

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bakit may kumakalat na balitang may news blackout daw kina James Reid at Nadine Lustre? Hindi raw isusulat ng mga reporter anumang news sa dalawa, pero wala silang dapat ikatakot at ang mga taong nasa likod ng career nila dahil may social media na ngayon na puwede at kayang magbalita sa kanila.

Parang wala naman kaming narinig na news blackout sa dalawa at marami pa rin  kaming nababasang news tungkol sa kanila. Kami nga, heto at nagsusulat pa rin ng mga kaganapan ng dalawa at wala namang sinabi ang editor namin sa different tabloids na bawal silang isulat.

Anyway, sunud-suod ang sightings sa dalawa mula nang mabalitang break na sila. Nakita sila sa UP Town Mall, kasunod noon, magkasama silang umakyat sa Mt. Ulap na nasa Itogon, Benguet.

Noong isang araw, nakita naman sila sa Pop Up Store sa may Katipunan. Malapit sa bahay nina James ang Pop Up Store sa Katipunan na kung saan, nakatira rin si Nadine.

Hintayin natin ang mga susunod pang sightings sa JaDine na parang gustong ipaalam na hindi sila break and very much on.

KC hindi nagpapakita

Disable ang comment box ng Instagram (IG) ni Sharon Cuneta kung saan, may mahaba siyang mensahe sa anak na si KC Concepcion, kaya walang makapag-comment sa sinulat niya.

May nabanggit si Sharon na mga okasyon ng pamilya nila na hindi nakapunta si KC gaya ng Christmas lunch with the Pangilinans, New Year’s Eve, New Year’s Day at sa kanyang birthday. Kaya nagtanong si Sharon ng “Where were you, anak? What were you doing? Why not even a text from you? I miss you too often nowadays, it seems. Because 99% of the time I have no idea where you are, what you’re doing and more importantly, HOW you are.”

 Bakit nga kaya hindi nagpapakita at hindi nagko-communicate si KC kay Sharon?

Matagal na itong walang pino-post sa IG, pero active sa IG Story at ang latest na post, may meeting siya at may caption na “Bring it 2020!”

Ano nga kaya ang tampo ni KC sa ina at sabi ni Sharon, umiiwas ito sa kanya? Pinatamaan tuloy ni Sharon ang nabanggit na mga taong nakikialam at nagsasalita ng masasakit sa social media, gayung walang alam sa tunay na nangyayari.

Barbie at Kate buwis-buhay sa taping

Pagkatapos mag-taping sa Tacloban City nina Barbie Forteza at Kate Valdez, sa Ilocos Norte naman sila nag-taping ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday. Sa photo na in-update ni Barbie sa Instagram (IG), nasa Sand Dunes, Paoay, Ilocos Norte ang dalawa.

“It was nothing like I expected. (buwis buhay teh!) But the whole experience was definitely one for the books. I super enjoyed the 4x4 ride at Sand Dunes with Caitlyn (Kate) during our shoot for #AnakniWarayvsAnakniBiday watch out for it soon on #GMAPrimetime.”

Nasagot pala ang tanong ng Kapuso viewers kung bakit madrama ang teaser ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday  dahil gagawin daw mas drama ang treatment sa series at hindi rom-com.

Mahusay na aktres si Barbie, mapa-drama at comedy, kaya alam na kayang-kaya niya ang role ng isang Waray. As for Kate, sa drama pa lang namin siya napanood, pero siguradong kakayanin niyang magpatawa.

Alice, type dyowain si Christopher

Nakakatuwa ang interview ni Pia Arcanghel kay Alice Dixson sa Tunay na Buhay  doon  sa tanong kung trotropahin o dyodyowain niya ang ilang aktor na nakapareha na niya sa pelikula.

Si Aga Muhlach ay trotropahin lang niya, pero si Christopher de Leon ay dyodyowain niya at gugustuhing mapangasawa. Bago sagutin ang tanong, nag-disclaimer muna si Alice na ‘wag bigyan ng malisya ang kanyang sagot at baka nga naman ma-misinterpret. Ang paliwanag ni Alice, friends lang talaga sila ni Aga, samantalang sila ni Boyet ay magkasundo at pareho ng personality.

Sa nasabing interview, nabanggit ni Alice na gusto niya...gusto nilang magkaanak ng kanyang partner na isa raw manager sa isang hotel sa Boracay.

Sana nga magka-baby sila at tiyak na maganda o gwapo ang magiging anak.

Nagpasalamat si Alice sa kanyang genes dahil kahit 50 years old na siya, hindi siya mukhang singkwenta. “I feel 50, but I don’t look like I’m 50,” sabi nito na totoo naman.

Nakikitang maliksi pa rin si Alice sa mga eksena niya sa Beautiful Justice  kung saan, nakikipagbarilan at nakikipaghabulan pa siya at may mga fight scenes pa.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with