Starla ayaw pang tapusin ng mga nanay!

Umaangal ang ilang mga nanay na nakausap namin tungkol sa pagtatapos ng seryeng Starla. Bakit naman daw tatapusin na ito agad, eh minsan na nga lang magkaroon ng pambatang serye na ganun ang tema na puro kabutihang asal ang naituturo sa batang viewers.

Gustung-gusto nila ang tandem nina Enzo Pelojero at Jana Agoncillo, pati na rin syempre ang karakter ni Judy Ann Santos.

Sawa na rin siguro ang mga nanay na manood ng puro kadramahan at puro kabit na tema.

Samantala, magiging busy na kasi ata si Juday sa paggawa ng pelikula kung saan si Coco Martin daw ang makakatambal niya.

Siya rin ang gaganap sa biopic ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films kaya balitang sa pelikula muna siya magi­ging abala at wala munang teleserye.

Maja panay ang travel nang makabalikan ang Bf

Bagama’t walang masyadong dialogue si Maja Salvador sa ilang eksena niya sa seryeng The Killer Bride, markado naman ang bawat galaw niya. Maging ang expression ng mukha ay hindi maipagkakailang magaling nga siyang artista. No wonder, hindi rin nagpapahuli ang mga beauty queen na kasali sa nasabing serye.

Kinaiinisan na nga ang karakter ni Lara Quigaman bilang isang killer. Si Ariella Arida naman ay palaging nagda-drama.

Kung hindi lang siguro magtatapos ang The Killer Bride, baka mas marami pang beauty queen ang ipapasok sa serye.

Napansin ko na pala na simula nang maging karelasyon uli ni Maja si Rambo Nuñez, parang wala na yata siyang ginawa kundi mag-travel.

May nagpakita sa akin na kasalukuyan silang nasa Hokkaido, Japan. Nung minsan nasa Cuba sila.

Bongga ‘di ba. 

Aga hindi nag-expect ng box office movie

Tiyak na matutuwa ang ama ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach kung nabubuhay lamang ito dahil sa tagumpay ng pelikula ng anak na Miracle In Cell No. 7, ayon ‘yan sa tito ni Aga na si Alex Muhlach.

Hindi naman nag-expect ang pamilya Muhlach, pero hindi naman na rin nakapagtataka iyon para kay Aga dahil magaling siyang artista noon pa man.

Inilaglag ng Miracle… ang pelikula ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier. Ganunpaman, masaya ang lahat sa naging tagumpay ng Metro Manila Film Festival 2019.

KC at Apl pinagpi-piyestahan!

Totoo nga marahil ang kasabihang ‘love is blind.’ Narinig kasi namin ang kuwentuhan ng ilang fans na nagulat dahil sa balitang nali-link si KC Concepcion kay Apl.de.ap o Allan Pineda ng Black Eyed Peas.

Sari-sari ang mga reaksyon ng fans. Paano kasi, ang akala ng lahat ay ang makakatuluyan ni KC ay ang ex-boyfriend niyang French na si Pierre Emmanuel Plassart pero naghiwalay din pala sila.

Marahil ay mas gusto ni KC talaga ang ugaling Pinoy kesa sa mga banyagang kanyang nakarelasyon.

Show comments