Maliban sa pagbabalita sa loob ng 12 taon, kilala si Steve sa kanyang "signature extro," kung saan tila pinahahaba niya ang bigkas sa unang pangalan.
Mula sa Twitter account ni Steve Dailisan
'Para consistent': Pangalan ni Steve Dailisan sa pilot ID, 'Steeeve' ang spelling
James Relativo (Philstar.com) - January 8, 2020 - 4:22pm

MANILA, Philippines — Viral ang social media post ng dating GMA reporter na si Steve Dailisan matapos ibahagi online ang kakaibang baybay sa kanyang pangalan sa identification card ng pagkapiloto.

Sa kanyang paskil ika-7 ng Enero, makikitang sinobrahan nang dalawang titik "E" ang pangalan niyang Steve.

"This is your First Officer Steeeeeeve Dailisan, together, let's make moments golden! Flying with you! #paraconsistent," sabi ng dating Kapuso journo.

Maliban sa pagbabalita sa loob ng 12 taon, kilala si Steve sa kanyang "signature extro," kung saan tila pinahahaba niya ang bigkas sa unang pangalan.

Nilisan ni Dailisan ang mundo ng telebisyon Pebrero taong 2018 at pormal na naging lisensyadong commercial pilot Abril taong 2019.

Dati nang sinabi ni Steve na hindi niya talaga pinangarap magpalipad ng eroplano noong siya'y bata pa ngunit napag-isipang magsanay para rito matapos makuha ang kanyang master's degree.

"Mahirap man siyang pangarapin noon, hindi naman nangangahulugang hindi mo na siya puwedeng pagsikapang maabot ngayon," sabi niya noon.

GMA ID PILOT STEVE DAILISAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with