Maine and Arjo
Tala gagawing pelikula, Maine at Arjo naki-Tala nation
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2020 - 12:00am

Gagawin na rin pala pelikula ang dance craze ni Sarah Geronimo na Tala ayon sa isang source.

At malamang daw before the wedding kay Matteo Guidicelli gawin na ito ng pop superstar.

Hindi ko pa nako-confirm kay Boss Vic del Rosario kung tuloy ba ito pero isang insider ng ABS-CBN ang nagkuwento tungkol sa planong pelikula ng Tala.

Sikat na sikat kasi ngayon ang Tala.

Imagine pati si Maine Mendoza with boyfriend Arjo Atayde ay naki-Tala.

“The things I do for you.” - Arsho #popster,” ang caption ni Maine sa kanyang TikTok video upload habang sumasayaw ng Tala na shared din sa Twitter account niya the other night.

Kaya naman tuwang-tuwa ang popster (fans ni Sarah) sa nasabing super cute moves ng mag-dyowa ng Tala dance craze.

Sarah Geronimo

Ang Tala Nation na pinangunahan ni Sarah ang ipantatapat ng ASAP Natin ‘To kahapon sa launching ng pinakabagong musical-comedy-variety program ng GMA na All-Out Sundays na naging kapalit ng Sunday Pinasaya. Nagkaroon ang ASAP Natin ‘To ng Tala flash mob kasama ang mga netizen mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

So mas suportado nga ba ni Maine ang Tala Nation ng ASAP na katatapat ng launching ng bagong show ni Alden Richards sa GMA 7?

To date, almost 29 million na ang views ng Tala music video sa YouTube.

Agad namang sumagot ang ibang fans ni Sarah na noon pa raw sinasayaw ni Maine ang Tala at isang certified popster daw ito.

Actress puro one liner english ang sagot ‘pag kausap ang pamilya ng bf na mayaman

Aliw ang kuwento ng isang chika-friend ko tungkol sa actress na girlfriend ng isang non-showbiz rich guy.

Chika niya kasi, pag kausap diumano ni actress ang pamilya ni rich guy na karelasyon, mga one liner English lang ang sagot nito sa mga kausap.

Say kasi ni Madam na friend ng mommy ni rich guy, aristocrata ang pamilya ni boyfie kaya hindi ito masyadong makasabay sa pagiging high social rank ng buong pamilya ng karelasyon.

Say ni Madam source na ‘really, yes, OMG, common, no way, thank you’  lang ang favorite answer ng actress sa pamilya ng BF niya.

Kilala nga sa showbiz na hindi englisera ang actress.

Though in all fairness sa actress, kita naman sa kanya na trying her best naman na magpaka-intelligent pag ini-interview siya.

Credible si Madam source dahil kasama niya sa inner circle ang family member ng mayamang pamilya ng BF ng actress.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with