Anak nina Vic at Pauleen may ‘future boyfriend’ na agad

Bossing Vic at Pauleen

Grabe talaga si Bernard Cloma, Salve ha. Ka-rubbing elbow niya si MTRCB Chair Rachel Arenas at Cong. Baby Arenas. At the height ha, sa London. Tapos imagine mo Christmas dinner siya sa Pacquiao house with Champ Manny, Jinkee at the rest of the Pacquiao family. 

Sobra naman suwerte iyan, the high and famous with Bernard Cloma. At shocked naman ako sa pamilya Sotto ha, tinutukso ko si Pauleen na mag-balae sila ni Florabel dahil tukso ni Pauleen sa anak na si Talitha ay boyfriend nito ang anak ni Florabel, tapos ang gifts nila this Christmas ay goodies from Florabel. 

Bongga ha, parang tanggap na ni Bossing Vic Sotto iyong pagma-match sa mga anak nila ni Florabel. Hahaha. 

At least sure ako magiging tabatsoy si Talitha paglaki dahil sarap magluto ng future mother in law niya na si Florabel. Ano ba iyan, mga baby pa match making na agad, joke lang po, huwag seryosohin.

Mga kasama sa bahay bahagi ng ating tagumpay

Hindi ko alam pero meron akong naramdamang sadness sa last episode natin ng Take It... Per Minute! Me Ganun. 

Actually, parang wala ako sa sarili, meron akong kirot sa puso habang umaandar ang show kahit pa nga para akong nagbibiro at tawa nang tawa. 

Sure ako ganun din feeling ni Cristy. Ayoko ko lang talagang maging killjoy, pero bumagsak ang energy ko nang pagpasok pa lang sa Obra ni Nanay sinabi na ni Cristy na namatay nanay ni Tina Roa.

 Imagine mo, Pasko nagluluksa si Tina pero balik agad siya dahil alam niya na siya ang number one assistant ni Cristy. Kainggit si Cristy sa pagkakaroon ng isang Tina Roa.

 Bigla kong naalala iyon mga angel natin sa bahay, sa buhay natin. Iyon 36 years ni JR, iyon 31 years ni Mel, iyon 25 years ni Cel, at hanggang ngayon may communication pa rin sila Lenlen at Cherry, talagang kung wala sila, hindi rin ganun kalayo mararating natin. 

Naging katulong natin silang lahat kung nasaan tayo ngayon. Thank you, thank you, forever grateful.

Show comments