Vico
Mayor Vico ‘di nagmana kay Vic Sotto
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2019 - 12:00am

Si Gretchen Barretto ang hot topic kahapon sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) episode 44.

May iba’t ibang issue sa socialite tungkol sa celebration nila ng 25th   anniversary ng partner niyang si Tony Boy Cojuangco. Pero true rin kaya ang issue na diumano’y may mga kinausap ito para siraan ang pamangkin niyang si Julia Barretto?

In a nutshell ay isa ito sa pinag-usapan nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Pero diumano’y hindi naman ganun si Gretchen at gumagawa lang ito ng isyu.

Pinag-chikahan din sa no. 1 digital talkshow sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON, ang tungkol sa reklamo ng ibang lumalapit kay Catriona Gray na  diumano’y mailap na ito sa pakikipag-selfie na ayon naman kina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu ay baka naman kasi mali lang ang anggulo kaya tumatanggi na itong maki-selfie.

Pinag-chikahan din nila na hindi nagmana si Pasig Mayor Vico Sotto sa tatay niyang si Vic Sotto. Kung si Vic nga naman ay mara­ming naging partner bago napakasalan si Pauleen Luna, si Vico ay sinasabing wala pang nagiging girlfriend na pinakilala sa publiko.

Vic

Mas malakas daw kasi ang impluwensiya ng nanay nitong si Ms. Coney Reyes na isang Christian kaya siguro mailap sa babae ang batang mayor ng Pasig.

Nauna na ngang sinabi ng isang source na walang oras si Mayor Vico na makipag-dyowa. Maging ang tatay niyang si Vic ay ayaw munang makipag-relasyon ang anak na pulitiko.

Anyway, ‘yan at marami pang ibang pinag-usapan kahapon sa Take It... per Minute! (Me Ganun) kung saan laging hyper si Manay Lolit lalo na sa mga blind item nina Manay Cristy and Mr. Fu.

By the way,  two weeks na eere ng Monday ang Take It... same time, 12:00 to 1:00 p.m. sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON and PSN Latest Chika. Yan sa December 23 and December 30 (Rizal Day).

Back to normal programming pagpasok ng 2020.

Kaya sa mga suki ng programa, tutok na sa Lunes at sa susunod na Lunes, 12:00 to 1:00 p.m.

GRETCHEN BARRETTO MANAY CRISTY FERMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with