Arjo
Maine idinetalye ang dinner sa pamilya Atayde! May Christmas wish din kay Alden
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

Open na si Maine Mendoza na magkasama sila sa movie ng boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Yup, wala nang kyeme si Maine pag si Arjo ang pinag-uusapan.

Inamin nga niyang para sa kanila ang sinusulat na story ng Kapamilya actor. Nauna na ngang sinabi ni Arjo sa isang interview namin na may sinusulat siyang story pero wala siya nung mention kung para sa kanila nga.

“Nagpo-produce na rin naman siya, so… ” sabi ni Maine tungkol sa possible project nila ng boyfriend.

Sinagot niya rin ang tungkol kay Alden Richards na common knowledge naman na talagang malabo sila munang magka-trabaho.

At nang matanong kung meron silang possible reconciliation sa kahit anong project : “Antayin lang natin ang tamang panahon, ng tamang material.”

So may wish ba siya for Alden ngayong Pasko?

“Sana, lagi lang siyang masaya,” pahayag ni Maine.

Alden

Nagsalita na rin siya sa pinag-usapang dinner niya with the Atayde’s.

Inamin niyang siya talaga ang nag-invite sa family nila ni Arjo.

“Napag-usapan lang po before kasi hindi na po nasundan nung na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila and nasakto pa ‘yung two movies, tapos nagse-segue ako, so parang sinabi ko lang kay Arjo na ‘ito na, may free time na, so dinner na tayo,’” pag-aalala ni Maine kung paano nangyari ang nasabing dinner na una nang kinuwento sa amin ng mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez nang maka-chika namin siya.

Actually, in denial pa ang maraming fans sa nasabing dinner at binash-bash nila at sinasabing ilusyon lang naman ang nasabing dinner last month.

Pero ngayong inamin na rin ni Maine, mag-react pa kaya ang ibang AlDub fans?

Wala na ring ilang or uneasiness sa part ni Maine pag topic ay si Arjo dahil feeling naman niya ay open naman talaga sila. Actually, impressed ang entertainment press kay Maine sa presscon ng Mission Unstopabol: The Don Identity dahil open na siya.

Anyway, inaabangan na ang pelikula nila ni Bossing Vic Sotto sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2019.

ALDEN RICHARDS ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with