^
Jose first time na kontrabida kay Vic
Jose

Jose first time na kontrabida kay Vic

SCENE SEEN - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

SEEN: Ikinalulungkot at ipinagluluksa ng AlDub Nation ang pagpanaw ng GMA-7 news reporter na si Cesar Apolinario dahil isa ito sa mga supporter ng loveteam nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza.

Nakatakda sa Miyerkules, ang paghahatid kay Cesar sa huling hantu­ngan. Pinag-aaralan pa ng naulilang asawa ni Cesar kung ililibing o ipapa-cremate niya ang labi ng pumanaw na Kapuso broadcast journalist.

SCENE: Hindi na importante kay Vic Sotto kung magiging number one sa 45th Metro Manila Film Festival ang kanyang official entry, ang Mission Unstapabol: The Don Identity. Mas mahalaga kay Vic na mapasaya niya ang moviegoers.

SEEN: Kapatid ni Vic Sotto ang karakter ni Jose Manalo sa Mission Unstapabol. Sa kauna-unahan na pagkakataon, gaganap na kontrabida si Jose kay Vic.

SCENE: “Isyu ‘yan!” ang reaksyon ni Marco Gumabao sa posibilidad na maging close sila ni Bela Padilla kapag nagsimula ang shooting ng Spellbound dahil parehong walang karelas­yon ang dalawa. Excited na si Marco sa first movie team up nila ni Bela.

SEEN: Sinuportahan ng former Bb.Pilipinas beauty queens na sina Sarah Jane Paez at Patty Betita ang pagsali ng anak ni Marina Benipayo sa 2nd Global Asian Model Philippines at hindi sila nabigo dahil nanalo sa male category ng contest si Joshua de Sequera, ang volleyball player ng College of St. Benilde na 22-years-old at may taas na 6’3.

SCENE: Si Ashley Subijano Montenegro ang first ever winner ng Miss Charm Phi­lippines. Si Ashley ang official representative ng Pilipinas sa Miss Charm na magaganap sa Vietnam sa 2020. Ang former model at television host na si Hans Montenegro ang ama ni Ashley.

SEEN: Si Jonas Gaffud ang founder ng Global Asian Model at siya rin ang creative director ng Miss Universe Philippines, ang organization na pipili ng kandidata na ipadadala ng Pilipinas sa Miss Universe sa 2020. Ipinakilala sa grand finals night ng Global Asian Model Philippines noong Biyernes ang mga opisyal ng Miss Universe Philippines na pamumunuan ni Shamcey Supsup-Lee.

ALDUB CONTRABIDA JOSE MAINE VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with