Coco beauty queen ang peg sa pelikula, nakipagsabayan sa kaseksihan ni Jennylyn

Coco and Jennylyn

In all fairness, bongga si Coco Martin sa pelikulang 3Pol Trobol na isa sa official entries sa 45th Metro Manila Film Festival.

Ang ganda niya, as in parang beauty queen ang peg.

“Napasubo ako. Pero ibang-ibang Paloma, talagang sinagad ko na,” pahayag ng aktor.

“Iniba ko siya. Definitely, magkalayong-magkalayo ‘yung karakter ko, tapos sabi ko, kung nag-Paloma man ako dito, ibang-ibang Paloma siya. Kung baga, x5,” dagdag ni Coco kahapon sa grand media conference ng kanyang pelikula with Jennylyn Mercado and AiAi delas Alas.

Sumikat sa FPJ’s Ang Probinsyano si Paloma na mas mahaba at bongga ang exposure sa 3Pol Trobol. Hindi siya nagpatalbog kay Jennylyn sa mga eksena ha.

Na ayon kay Coco ay sinagad naman kasi niya dahil ito na ang huling beses na gagawin niya ang nasabing character.

“So ngayon, pag ina-analyze ko, anon’g pinakamahirap na pelikulang ginawa ko? ‘Eto na.

“Kasi, ang hirap. Pag nakita nila ‘yun na ang hirap mag-bihis babae, talagang in-effort-an ko, lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung parang palit-make-up lang, lahat, contact lens, kuko, palit. Ako ‘yung pinakamaagang dumada­ting sa set kasi nga, 1 ½ hours akong mine-make-up-an, tapos bibihisan ako ng kung ano-anong nilalagay sa akin para ma­ging sexy,” pagkukuwento niya pa kahapon.

Actually, sigu­ro kung hindi familiar ang manonood sa pelikula, hindi nila makikilala si Coco.

Kuwento pa ng Primetime King, lahat ng klase ng palaman para magka-kurba ang katawan at maging sexy.

At ang highlight, may pa-puwet ang aktor sa eksena nila ni Jennylyn na exciting ang naging love story sa kuwento ng movie. Bukod pa sa matinding action na sinuong nila.

Anyway, si Coco rin ang producer and director ng pelikula at siya ang nagsulat ng script.

Show comments