Black Eyed Peas magtatanghal sa closing ceremonies ng SEA Games
"Mission accomplished: I’ve been trying forever to get my brothers @iamwill and @taboo to join me for #SEAGames," ani apl.de.ap sa kanyang Instagram account, Martes.
Mula sa Instagram account ni apl.de.ap
Black Eyed Peas magtatanghal sa closing ceremonies ng SEA Games
(Philstar.com) - December 11, 2019 - 2:32pm

MANILA, Philippines — Kumpirmadong magtatanghal ang award-winning international hip-hop group na Black Eyed Peas sa pagsasara ng ika-30 Southeast Asian Games ngayong Miyerkules.

"Mission accomplished: I’ve been trying forever to get my brothers @iamwill and @taboo to join me for #SEAGames," ani apl.de.ap sa kanyang Instagram account, Martes.

 

 

Kahapon, humarap sa media ang tatlong miyembro ng BEP at inilahad "kung gaano ka-Pilipino" ang kanilang grupo.

Tubong Angeles, Pampanga ang Filipino-Amerrican na si apl.de.ap, na kilala rin sa totoo niyang pangalang Allan Pineda Lindo.

Sumikat ang kanilang grupo sa mga awiting "Where is the Love," "Don't Phunk With My Heart," "I Gotta Feeling" at "My Humps."

Kilala rin sila sa kantang "APL Song" at "Bebot," kung saan iniawit ni Pineda ang kanyang pagmamahal at pagka-miss sa bansang Pilipinas.

Matatandaang nag-perform din si apl.de.ap noong buksan ang mga palaro noong ika-30 ng Nobyembre.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Black Eyed Peas (@bep) on

 

Sabi pa niya sa mga Pinoy fans, abangan ang kanilang performance na mangyayari ngayong araw, sabay sabi ng hashtag na "WeWinAsOne."

Dahil dito, labis na itong kinasasabikan ng kanilang mga tagahanga sa social media.

Nakatakdang itanghal bilang kampeon ng 2019 SEA Games ang Pilipinas matapos manguna sa nasabing patimpalak: 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso. — James Relativo

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES APL.DE.AP BLACK EYED PEAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with