^

PSN Showbiz

Matapos sa Miss International, Patricia magtanong gustong isali sa Miss U

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matapos sa Miss International, Patricia magtanong gustong isali sa Miss U
Patricia

Mukhang tanggap naman ng mga kababayan natin ang hindi pagkapanalo ng kandidata na­ting si Gazini Ganados sa katatapos lang na Miss Universe 2019.

Ang ikinadismaya lang ng karamihan ay ang pagkakamali nang pagtawag ng winner sa Best in National Costume na napanalunan ni Miss Malaysia.

Napakalinaw nang pagkatawag ng host na si Steve Harvey na si Miss Phi­lippines ang wagi at ang litrato pa niyang naka-eagle inspired costume na likha ni Cary Santiago ang ipinakita.

Pero ang katabi niyang winner ay si Miss Malaysia na kaagad siyang kinorek na hindi si Philippines.

Kaagad namang dinipensa ni Steve na binasa lang niya ang nasa teleprompter, na totoo naman.

Ang linaw ng pagkakamali, pero ang dating sa karamihan ay joke lang iyun.

Mockery daw iyun na kung saan ang kandidata ng Pilipinas ang pinaglaruan.

Kaya galit na galit ang mga netizens, at kung anu-anong komento ang ipinu-post sa social media.

Kaya hindi na gaanong napag-usapan ang pagkatalo ni Gazini, kundi kung paano tayo pinaglaruan sa Miss Universe.

Ang isa pang tsismis na nakarating sa amin, sa susunod na taon ay hawak na raw ng team ng dating Governor Chavit Singson ang pagpili ng kandidata na­ting isasali sa Miss Universe.

Wala na sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang franchise nito.

 Ang isa pang narinig namin, balak daw nilang isali uli ang kasalukuyang Binibining Pilipinas-International Patricia Magtanong dahil mas bagay daw talaga siya sa Miss Universe.

Ewan ko kung magagawa nila ito.

Direk Brillante nakikiusap na panoorin din sila

Natawa na lang si direk Brillante Mendoza nang hiningan namin siya ng

reaksyon na maglalaban sila ngayon ng protégé niyang si Coco Martin sa pelikulang ididirek nila sa Metro Manila Film Festival.

May Mindanao si direk Brillante at ang Tripol Trobol naman ay dinirek ni Coco gamit ang tunay niyang pangalang si Rodel Nacianceno.

“Wala namang isyu dun. Ang importante, masaya lahat. Iba ang mercado niya, iba ang mercado ko,” pakli ni direk Brillante nang nakatsikahan namin sa special screening ng Mindanao sa Podium kahapon ng hapon.

“Ang importante, alam natin sa trabahong ito, maliit na business lang tayo. Hindi tayo puwedeng alam mo yun….hindi tayo puwedeng hindi maganda ang samahan.

“At the end of the day, pag wala na ang lahat na ito ang titingnan lang dito, ang samahan natin di ba?” dagdag niyang pahayag.

Sobrang na-overwhelm lang daw siya sa layo nang narating ni Coco na bukod sa isa siya sa pinakasikat sa ngayon ay nakakapagdirek na siya.

“In terms of mga advice sa kanya, alam niya ang mercado niya eh, lalo na sa Ang Probinsyano. Pero pagdating sa mga project sa pelikula, nagkukuwentuhan din kami. Pero mas kilala niya yung market niya, kasi pinag-aaralan din niya yun. Hindi lang siya basta gawa nang gawa,” dagdag na pahayag ni direk Brillante.

Natawa uli si direk Brillante na binanggit niyang talagang ini-expect daw niyang mananalong Best Actress si Judy Ann Santos sa Cairo International Film Festival.

Nakaikot sa ibang international filmfests ang Mindanao na puwede pang mapanalunan ni Juday.

Pero iba ang sa Metro Manila Film Festival na sana maganda rin daw ang patanggap ng mga kababayan natin.

Hindi raw gaanong maganda ang experience niya sa unang pagsali niya MMFF na kung saan isinali niya ang Thy Womb.

Iba raw ang expectations niya rito sa Mindanao. “Siyempre, gusto namin magka-award. Siyempre kasama yung award para tangkilikin talaga yung film namin, at hindi naman kami talaga nakipag-compete na kami ang mag-number one dito.

“Ang importante dito kahit papano, kapag mapanood natin ang paborito nating pelikula na pinapanood natin taun-taon,” saad ni direk Brillante.

vuukle comment

PATRICIA MAGTANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with