^

PSN Showbiz

Aktor nakawala na sa partner na nagbabago ang anyo ‘pag nagseselos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagsasalita na ngayon ang mga taong nakakaalam ng totoong kuwento tungkol sa paghihiwalay ng isang pamosong male personality at ng kayang ka-live-in.

Natagalan bago sila lumabas, ayaw nilang makialam sa usapin ng dating magkarelasyon, pero nakikita nilang hindi na balanse ang laban.

Kilalang-kilala ng mga kaibigan ng aktor kung gaano kaselosa ang babae. Maraming kuwento silang alam kung paanong kusang hindi sumasama ang male personality sa maraming okasyon dahil siguradong away lang ang kauuwian nu’n sa pag-uwi niya.

Kuwento ng isang source, “Naisa-sacrifice na nga nu’ng male personality ang pakikisama dahil sa pagiging selosa ng ka-live-in niya. Grabeng magselos ‘yun, nakakatakot siya!

“So, para wala na lang away, e, hindi na sumasama ang guy sa mga importanteng invitations sa kanya. Umuuwi na lang siya, nakikibalita na lang siya kung ano na ang nangyayari.

“May mabalitaan lang kasi ang girl, e, naniniwala na siya agad. Super-selosa at insecure ang babaeng ‘yun, hindi siya nag-iisip, basta sugod na lang siya nang sugod!” unang kuwento ng aming impormante.

May mahalagang meeting ang male persona­lity kung minsan, marami silang magkakasama sa isang restaurant, biglang dumating ang babae.

Muling pahayag ng source, “Dumating ‘yung babae sa place, iba ang itsura niya, handa na naman siyang mang-away. E, may kasamang mga girls sa meeting, mga kasamahan din ng ka-live-in niya, ‘yun ang napagdiskitahan ng babae!

“Para makaiwas na lang sa gulo, e, nilapitan siya ng male personality, iuuwi na lang sana siya, pero gumawa na ng gulo ang girl! Puro kahihiyan ang mga ginagawa niya, hinahawakan niya talaga sa leeg ang ka-live-in niya!

“Naninira siya ng mga kagamitan kapag nagseselos siya, nagbabangga siya ng sasakyan, pinupunit niya ang mga damit nu’ng aktor, nakakatakot talaga siyang magselos!” paglalabas ng saloobin ng source.

Ngayon ay nakahihinga na nang maluwag ang male personality, nagagawa niya na ang sinumpaan niyang pangako sa kanyang mga nasasakupan, hindi na siya natatakot na habang nagtatrabaho siya ay biglang may darating na babaeng nagwawala.

“Kung naging maayos lang sana siya, e, hindi naman aabot sa ganito ang problema nila. Walang lalaking tatagal sa ganu’ng klase ng babae! Mahirap makisama sa taong dudera!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Cardo namamangka kina Yassi and Julia?!

Nakatutok kami sa SEA Games nu’ng Linggo nang umaga. Ang pinano­nood namin ay ang mga atletang Pilipino na lumalaban sa Taekwondo.

Habang nagaganap ang labanan ay ka-text namin si Cong. Monsour del Rosario, ito kasi ang tagapamuno ng ating delegasyon, maraming umani ng ginto sa kanyang mga manlalarong lalaki at babae.

Itinuturo rin sa amin ng aktor-manlalaro kung paano ang pagbibigay ng mga puntos sa mga naglalaban, pinakamataas na score pala kapag sa ulo tumama ang sipa, ang dami-dami naming natutuhan sa kampeong Taekwondo player nu’ng kanyang kapanahunan.

Kinatanghalian ay maraming tawag ang tinanggap namin, lumipat daw muna kami sa ASAP Natin ‘To, panoorin daw namin ang production number nina Coco Martin at Yassi Pressman.

Masunurin naman kaming kaibigan, kaya naglipat muna kami ng channel, ang magkapareha nga sa FPJ’s Ang Probinsyano ang tumambad agad sa amin.

Reaksiyon ng aming kaibigan, “Without even saying anything, alam mong sila talaga. Action speaks louder than words.

“Kita mo naman, naglalambingan sila, alam mong may understanding na talaga sila. Nakaka­kilig, pero paano na si Julia Montes?

“Di ba, balitang-balita na nanganak na siya at si Coco daw ang ama? Paano na ‘yun? Nasaan na si Julia, kung ganyang bigay na bigay namang sina Coco at Yassi din pala?” pang-uurirat ng aming kaibigan.

Ganu’n din ang tanong ng isang kasamahan namin sa panulat, gulung-gulo ito, paano raw kaya nagagawa ni Ricardo Dalisay ang pamamangka sa dalawang ilog?

Ang bayan na ang bahalang humusga kung totoong-totoo na ba ang ginagampanang papel nina Coco at Yassi sa serye.

Bumalik na lang uli kami sa panonood ng laban ng mga atletang Pinoy sa Taekwondo, sa swimming, sa track and field at sa marami pang ibang events.

Mabuhay ang mga Pinoy na manlalaro!

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with