Aga
Aga nag-iba ang Pasko nang lumaki ang mga anak
(Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Ibang-iba ngayon ang Pasko sa pamilya ni Aga Muhlach dahil magiging abala siya sa promo ng MMFF entry niyang Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films.

Malalaki na rin naman daw ang mga anak nila at may kanya-kanya na rin daw lakad. Pero hindi raw puwedeng hindi sila magkasama dahil suportado rin naman nila ang pelikula nito para sa MMFF.

Nandiyan siyem­pre ang suporta ng misis niyang si Charlene.

“She knows my passion yung paggawa ko ng pelikula,” pakli ni Aga. “For Christmas, it’s gonna be nice. Sa float sasama sila sa akin. I want them to experience this,” sabi pa niya.

Hindi rin kasi malayong papasukin ng mga anak nila ang pag-aartista. Pero sabi ng aktor sa ngayon ay desisyon daw muna niya ang masusunod na kailangang tapusin ang kanilang pag-aaral.

“Hindi ko sila pinagbabawalan eversince. Iyun ang hanapbuhay ko eh. Iyun ang naglagay ng pagkain sa lamesa namin, nagbuhay sa amin lahat.

 “Ngayon kung sila ang nagdesisyon…that’s fine. Kaya sinasabi ko, finish your college. Nasa tamang pag-iisip na sila, alam na nila…they decide. Sila na magdesisyon niyan,” seryosong pahayag ni Aga sa nakaraang mediacon ng Miracle in Cell No. 7, na sa trailer pa lang may kurot sa puso na.

Kaya nga isa ito sa may pinakamaraming views magmula nang lumabas sa social media ang trailer.

Tatlong pelikulang Tagalog ‘di napansin sa takilya

Expected na talagang mahina na ang mga pelikulang ipinapalabas ngayong linggo, pero nakakalungkot pa rin kung isipin dahil ang laki rin naman ng mga ipinuhunan ng mga producer na nagpalabas ng mga pelikula nila nitong nakaraang linggo.

Nung December 4 ay ipinalabas ang Mañanita ni Bela Padilla, Love is Love na may kabadingang kuwento nina Raymond Bagatsing at Jay Manalo, at ang isang Christian movie na dinirek ni Cesar Montano na Kaibigan.

Ang daming big stars pa namang involved dito sa Kaibigan na pinagbibidahan ng Perkins twins, at tampok pa dito ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Hindi lang nila na-promote nang husto, at basta na lang nila ito ipinalabas.

Ayon sa aming source, nung first day of showing nito ay halos 300 thousand lang daw ang kinita nung tatlong pelikulang ipinalabas. Kaya mahina talaga.

Inaabangan na kasi ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Pero ang mas nakakalungkot pa dito, mas malakas pa ang pelikulang nag-showing pa two weeks ago.

Ayon nga sa aming source, naka-3M pa raw ang Unbreakable nung nakaraang Lunes, at ang Frozen 2 ay naka-15M pa.

Pero kahit malakas naman ang Unbreakable, parang hindi pa raw ganun ka-happy ang mga taga-Star Cinema dahil mas mataas pa dun ang ini-expect nila.

Abangan na lang natin ang muling pagsigla ng mga pelikula natin sa darating na MMFF 2019.

Alden wala na sa Bulaga?!

Alden

Ayaw na lang talaga ni Julie Anne San Jose na ma-bash nang bonggang-bongga kaya ingat na ingat itong sumagot kapag may kinalaman kay Alden Richards ang mga tanong.

Ngayon pa lang kasi ay ang dami nang kuwento tungkol sa ipapalit sa Sunday Pinasaya na tatampukan nina Alden at Julie Anne.

Kaya tinanong na namin si Julie Anne sa media launch ng bagong endorsement niyang Lee Jeans na handa ba siyang maka-tandem si Alden? Posibleng siya kaya ang papalit kay Maine Mendoza?

“Unbeatable po sila,” mabilis na sagot ni Julie Anne. “I don’t think na may kailangan po akong palitan, kasi ang lakas po ni Alden and Maine together. Basta focus focus as solo performer,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, matagal-tagal ding hindi napapanood si Alden sa Eat Bulaga.

Ang dami nang nagtanong sa radio program sa DZRH, kung wala na ba si Alden sa Bulaga.

Next week ay babalik na ang Kapuso actor, dahil nagpaalam pala siyang mag-leave sandali dahil sa sunud-sunod ang taping niya sa The Gift at kailangang may mga tapusin daw siyang commitments.

AGA MULACH ALDEN RICHARDS MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with