^

PSN Showbiz

Aktor interesado kay Pia!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aktor interesado kay Pia!
Marlon

Mas gifted daw siya kay Marlon

Parang nabuhayan daw ng loob ang ilang kalalakihan nang lumabas na ang balitang break na sina Pia Wurztbach at Marlon Stockinger.

Dati kasi bulung-bulungan lang at ngayon lang naging open ang Miss Universe 2015 na wala na talaga sila, mula pa nung September.

Pinasinungalingan din niya ang tsismis na sa kanya lang umaasa ang kilalang car racer.

Si Marlon naman ay tahimik lang sa isyung ito.

Pero may ilang boys na nakakarating sa aming type na nilang pormahan si Pia.

Ewan ko lang kung handa na ba ang beauty queen na pumasok sa panibagong relasyon.

Mukhang hindi naman kasi siya mababakante, sa dami ng interesado sa kanya.

Ewan ko kung totoong may isang male cele­brity na type na type daw si Pia at gusto nga itong makatrabaho.

Nung kinuwento raw sa kanya ng single na uli si Pia, napangiti raw itong si male celebrity na baka puwede na siyang pumasok sa eksena. Tutal mas ‘daks’ o gifted naman daw siya kesa kay Marlon.

Siyempre, joke-joke lang daw niya iyun. Pero mukhang totoo naman yata!

Julie Anne

Julie Anne hindi pa kayang mag-dyowa uli

Si Julie Anne San Jose naman ay handang-handa na ring makipag-boyfriend sa taong 2020.

Okay naman daw siyang tumanggap ng suitors o makipag-date. Pero kung pumasok sa isang relasyon, paghandaan pa raw niya iyun.

“Before I get into a relationship, kailangan buo ka eh,” pakli ng Asia’s Pop Sweetheart nang nakatsikahan namin sa media launch nito bilang bagong endorser ng Lee Jeans.

Lalo kasing sumeksi si Julie Anne na ang dating 26 daw niyang waistline, ngayon ay 25 na at swak na swak sa Lee jeans na suot nito.

Pero hindi pa raw niya iniisip pa na magka-boyfriend dahil marami raw siyang gagawin next year.

“I want to put my energy muna sa songwriting, sa concert. Madami pang mangyayari.

“I can’t spoil anything right now, but it’s gonna be a great year next year,” nai-excite niyang kuwento sa amin.

Isa nga sa aabangan sa kanya ay ang bagong Sunday musical variety show na ipapalit sa Sunday Pinasaya. Hindi lang ako sure kung Sunday. Laugh Out Loud o All Out Sunday ang title ng bagong show na ipapalit sa SPS.

Pero nahirapan si Julie Anne na sagutin ito dahil wala pa naman daw final na announcement mula sa GMA 7. Kinausap na nga raw sila na hanggang this year na lang ang Sunday Pinasaya at papalitan na ito.

“Bittersweet of course,” pakli ni Julie Anne sa nalalapit na pagtatapos ng show nila. “It’s been four good years. Para kang nag-enrol sa isang school. Para kang nagkaroon ng classmates na talagang solid kayo.

“Dito sa Sunday Pinasaya, lahat kami family eh,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pang narinig namin, silang dalawa ni Alden Richards ang mangunguna sa bagong musical show na ito, pero walang kinukumpirma ang singer/actress. Mabuting hintayin na lang daw ang announcement ng GMA 7.

Pero kung sakaling sila na nga ni Alden ang pag-partnerin para sa bagong Sunday show nila, malaking challenge daw ito sa kanya. Tingin naman daw niya wala nang isyu na sa fans ni Alden.

Pero hindi pa rin naman daw niya masasabi kung tanggap na ba siya ng AlDub at ng Aldenatics.

“I’d like to believe so. Kasi, in the first place wala naman pong talagang isyu. Saka nagkakasama naman kami ni Alden sa mga events, ganyan. I’m not really expecting or anything…kung tatanggapin ako o hindi. Basta I respect their opinions. Wala naman pong kaso sa akin yun eh. Basta I just want to do my best. And wala naman po talagang kaso sa akin kung sino man ang makatrabaho,” saad ni Julie Anne San Jose.

Sa darating na Linggo pala ay mapapanood na ang concert ni Julie Anne na Julie Sings the Divas.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with