Gazini handa na sa back-to-back Miss Universe crown
Gazini
Gazini handa na sa back-to-back Miss Universe crown
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nabibilisan na sa araw si Gazini Ganados.

Bukas na kasi magaganap na ang preliminary competition at national costume show at malalaman na kung ano ang magiging kapalaran niya sa Miss Universe 2019 na eere nang live via satellite mula sa US sa ABS-CBN at iWant sa December 9 (Lunes), 8 AM.

“Time really flies so fast when you’re having fun! Can’t believe it’s only two days before the preliminary competition and national costume show! Any guesses what Philippine icon/s I will be showcasing? For today’s morning activity, I wore this fully handwoven jumspuit from @kandamacollective. The weaves come from Ifugao and Abra. The patterns on the Ifugao fabric symbolize a shield or “happiyo” in the Tuwali language which was commonplace hundreds of years ago,” post niya kahapon.

Handa na nga si Miss Universe Philippines para maiuwi ang Miss Universe crown at bigyan ang Pilipinas ng back-to-back win sa 69th Miss Universe.

Maiuwi kaya ng Cebuana beauty ang korona ng Miss Universe matapos itong gawin ni Catriona Gray noong isang taon?

Gaganapin ang Miss Universe coronation, na tampok ang komed­yanteng si Steve Harvey bilang host, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA.

Unang pinahanga ni Gazini, na magmula sa Talisay, Cebu, ang mga manonood sa kanyang performance sa Binibining Pilipinas 2019, kung saan nagpakita siya ng confidence, talino, at husay na nagpapanalo sa kanya.

Ngayon, tutok na ang pageant enthusiasts sa kanyang pagrama bilang pambato ng bansa upang ipakita ang kanyang tumatak na “Ganado walk” at sumunod sa yapak nina Pia Wurtzbach and Catriona Gray.

Maaari ring suportahan ng mga Pilipino si Gazini sa panonood ng hinihintay na coronation ceremony sa SKYcable channels na 167 (Metro Manila) at 700 (regional areas), at sa online sa SKY on Demand.

Maaari namang balikan ng pageant fans ang pag­rampa ni Gazini laban sa mga kandidata mula sa 92 na bansa sa Metro Channel sa  December 17 ng 7pm. Magkaka-replays din ito sa December 18 (8am), December 20 (9pm), December 22 (8am), at December 25 (3pm).

Anyway, isa pang binabantayan ay kung gagamit si Gazini sa interpreter sa Q & A portion. Ayon kasi kay Gazini gusto rin niyang iparinig sa mga manonood ng Miss Universe and kanyang Visayan language. “I will think about it. Kasi I would like to showcase the Bisaya language in an international arena.

“Of course, I’m a proud Bisaya myself...But then again, I have to reconsider because not all people can understand that language. So, I will reconsider that po,” sabi nito sa isang interview.

Nag-agree naman sa plano nito si Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Ayon kay Gloria na pinupuri sa pelikulang Unbreakable na gumanap na mother in law nina Bea Alonzo and Angelica Panganiban sa kasalukuyan pang palabas na pelikula, hindi raw nakakahiya in case na ituloy ni Gazini and plano. “If that’s what will make them comfortable... And, you know, when you have an interpreter, you have one minute to breathe. So...that’s a plus.”

GAZINI GANADOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with