^
Miles at Kathryn naayos na ang imbyernahan!
Miles and Rocco

Miles at Kathryn naayos na ang imbyernahan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2019 - 12:00am

Sinuong ni Rocco Nacino ang bagyong Tisoy mula Tanay, Rizal para makadalo sa premiere night ng MMFF movie niyang Write About Love, na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall nung nakaraang Lunes, December 2.

May taping kasi siya ng Descendants of the Sun sa Tanay, kaya nagpaalam lang siya na dadalo muna siya tapos babalik na lang siya.

Sumali lang siya sa red carpet, nakipagtsikahan sa media at bago nagsimula ang screening umalis na siya para makabalik sa taping.

Pero dumalo ang magulang niya at nandun din ang girlfriend niyang si Melissa Gohing.

Bago sila nag-red carpet, nakatsikahan namin ang lead actress nitong si Miles Ocampo at saglit naming napag-usapan ang tungkol sa away ng mga dati niyang kasamahan sa Goin Bulilit na sina Alexa Ilacad at Sharlene San Pedro.

Hindi raw niya alam ang tungkol sa away ng dalawa, pero masaya niyang kinuwentong nagkaayos na sila ni Kathryn Bernardo.

Nabanggit kasi ni Miles nung nakaraang taon, nung pinu-promote din niya ang MMFF entry nila noon ni Kim Chiu, ang One True Love na may tampuhan din daw sila ni Kathryn.

Napanood pala ni Kathryn ang interbyung iyun at bandang February ng taong ito, inayos daw ng ilang kasamahan nila sa Goin Bulilit ang dinner para magkita sila ni Kathryn.

Ngayon ay okay na raw sila ni Kathryn. Nagkaka-text silang dalawa. Dapat nga raw ay dadalo ito sa premiere night ng Write About Love niya nung Lunes, pero kararating lang daw ni Kathryn mula Dubai, kaya hindi na raw kinayang dumalo.

Proud si Miles dito sa MMFF entry niyang Write About Love.

Ito lang ang nag-iisang romance movie sa MMFF, kaya ang tantiya namin, maghi-hit ito pagtapos ng awards night. Nagulat kami kay Yeng Constantino na magaling sa pelikulang ito. Napaka-­­­natural niyang umarte.

Surprisingly, may chemistry at may kilig dito sina Miles at Rocco.

Young actor mabilis na yumabang kaya tanggal na sa endorsement

Isang kaibigang isinusumpa na niyang hindi na raw nila kukuning endorser ang sikat na young actor.

Ang laki na raw nang iniyabang nitong young actor na hindi naman daw ganyan dati.

Pangalawang kontrata na raw nila sa young actor na ito, pero hindi na raw ganun ka okay ang resulta ng endorsement niya sa pangalawang kontrata.

Kaya huli na raw nila sa actor na ito, dahil sa iba raw ang trato sa kanila.

Dismayado na ngayon ang kaibigan namin. Kaya tapusin lang daw nila ang kontrata, never na raw nila itong iri-renew.

Okay na raw kung hindi kasinsikat nito ang ipapalit nila, basta maayos lang daw katrabaho at may respeto sa kanila.

'MILES DESCENDANTS OF THE SUN MMFF ROCCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with