Juancho nagsalita na sa pagmamaldito sa taping!

Juancho and Joyce

Nahahalata naming umiiwas si Juancho Trivino na magpa-interview sa media­con ng 20th anniversary ng Unang Hirit kahapon ng tanghali.

Ayaw na lang siguro niyang pag-usapan ang kumalat na isyung nag-attitude siya sa set ng Madrasta.

Kagaya ni Rita Daniela, parang dinededma niya ako nung una, pero nag-pose naman siya nang kinunan ko siya ng litrato at hindi na siya nakaiwas nang harangin ko na para hingan ng pahayag kaugnay sa kumakalat na intriga tungkol sa kanya.

Kaagad niyang pinabulaanan ang balitang nag-attitude siya sa taping, at nagmumura pa raw ito na kung saan nakabanggaan pa niya ang kanilang direktor.

Aniya; “Hindi totoo yun. Huwag kayo maniwala dun. It blew out of proportion na kuwento ni ganyan, kuwento ni ganyan. But that’s not true.

“Hindi natin maiiwasan yun eh. I subjected myself into…you know the public eye. Hindi natin maiiwasan na siyempre mapagkuwentuhan tayo and not everyone will understand.”

Ayaw na lang daw niya magpaapekto sa intrigang iyun dahil hindi naman daw nila pinag-uusapan iyun sa set.

Maayos daw sila ng production staff at pati sa mga co-stars niya.

“It’s irrelevant issue. Hindi naman big deal sa amin, lalo na sa mga people involved. Wala naman akong masasabi na beyond that,” tipid niyang sagot na parang naiirita na.

Sa totoo lang, mahal si Juancho ng mga kasamahan niya sa Unang Hirit, lalo na’t doon na-develop ang magandang relasyon nila ni Joyce Pring.

Kinumpirma sa amin ni Arnold Clavio na engaged na silang dalawa na tiyak na magni-ninong daw siya.

Ayaw lang niyang magbigay ng detalye tungkol sa planong kasalan.

“Ang sarap na nabubuo yung ganung pag-ibig sa Unang Hirit.

Nakita ko yung sinseridad ni Juancho.

“Minsan may personal din kaming usapan ni Joyce. Humihingi rin ng payo. Naging maganda naman ang resulta. Sabi ko nga, naging bahagi ako ng relasyon na yun na umusbong talaga. Hindi pinilit eh,” pahayag ni Igan.

Malamang na magiging espesyal na episode ang kasalang ‘yan sa Unang Hirit.

Ipinagdiriwang na ng Unang Hirit ang kanilang 20th anniversary, at every morning, meron silang magagandang treat sa kanilang viewers.

Hanggang December 6 ito na may mga special episodes silang nagbibigay ng surprises sa kanilang  loyal viewers, na kung saan nagbibigay sila ng premyo na mga home appliances, furnitures, negosyo packages, gadgets. Meron pang lucky loyal viewer na mabibigyan ng chance na magwagi ng bagong house and lot.

Arnold

Sylvia at pamilya hindi nagpalibre kay maine

Ayaw pa ring tantanan si Sylvia Sanchez ng mga bashing pagkatapos niyang ikuwento sa amin sa 10th anniversary ng Beautéderm na ideya pala ni Maine Mendoza ang dinner na ginawa nila kamakailan lang.

Pagkatapos pagbintangang photoshopped lang ang kuha na iyon na ipinost sa kanyang Instagram account, pinagbintangan naman siya ngayon ng ilang bashers na nagpalibre pa sila kay Maine. Ideya nga raw kasi ni Maine ang magsama-sama sila sa isang dinner, kaya tiyak na ito raw ang nagbayad ng bill.

Hindi ko lang nasulat, pero natanong naman namin si Ibyang kung si Maine ba ang nagbayad. “Ang dami namin. Nakakahiya naman yun,” natatawang sagot sa amin ni Sylvia.

Kaya hindi na lang daw niya pinapansin ang mga may masabi lang, dahil mahirap daw silang patulan gawa nang wala naman daw silang mukha.

Ang mahalaga, masaya silang lahat, at gustung-gusto raw niya ang pagiging mabait at walang kaere-ere si Maine.

“Noong dumating si Maine sa bahay ko, ipinakilala ni Arjo, never kong naramdaman na ‘Maine Mendoza ako! Sikat ako!’ Umakyat siya as Nicomaine na walang yabang, napakabait na bata, napakamagalang. In fact, nahihiya nga.

“Iyon ang gusto ko sa kanya!” puri ni Sylvia kay Maine.

Show comments