^

PSN Showbiz

Female singer tibo, pag-aming in love sa male singer charot lang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’n palang mga panahong hindi pa masyadong nakikilala ang isang female singer ay madalas siyang magpunta sa isang bar kung saan regular na sumasayaw-kumakanta ang isang all-female group.

Napaka-sexy naman kasi ng mga miyembro ng grupo, magaganda pa, kaya madalas silang dayuhin sa nasabing bar.

Madalas makita du’n ang kilalang-kilala nang female singer ngayon, regular na siyang lumalabas sa isang variety show, nakikipagbiritan sa kanyang mga kakontemporaryong singers.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo ba kung bakit siya madalas magpunta sa bar kapag nagse-set ang sexy group? Meron siyang type na member! Maganda ang girl, super-sexy!

“Nagpupunta siya sa dressing room, du’n niya kinakausap ang sexy member ng grupo, pakikipag-usap na halos magkadikit na ang mga mukha nila, dahil lalaking-lalaki ang porma ng female singer!

“Maniwala kayo, may pagkatibo ang female singer na ‘yun! Kabaro rin niya ang type niya, isa siyang magic!” madiing-madiing unang kuwento ng aming impormante.

Kung makaporma kuno ang maganda at magaling na singer ay para talaga siyang lalaki, nakaupo na pabisaklat, feeling niya talaga ay machong-macho siya.

Patuloy ng aming source, “Kaya ‘yung mga lumalabas na kuwentong tivoli siya, e, pinaniniwalaan ng mga taga-bar, lalo na siyempre ng girl group, dahil meron nga siyang pinopormahan sa kanilang grupo!

“Basta may show ang tropa du’n, e, asahan mo nang darating siya. May pa-flowers pa nga si mayor kapag dumarating siya! Talagang nililigawan niya ang member ng all-female group!

“Kaya nga nu’ng lumabas ang balita na type na type niya ang isang male singer, e, walang naniniwala, kasi nga, marami nang nakakaalam tungkol sa pagiging tivoli niya!

“Puwede ba, paano niya matataypan ang male singer na ‘yun, e, mas macho pa nga siyang makaporma du’n sa sinasabing type niyang male singer?

“Hanggang sa unti-unti na siyang nakilala, regular na siyang kumakanta sa isang variety show, nagpapa-sexy na rin siya ng porma du’n sa show!

“Tibo siya, ‘yun lang ang masasabi namin, kabaro rin niya ang type niya, hindi male, sa totoo lang! Front lang niya ‘yun!

“Hindi na niya dinadalaw ang sexy member ng grupo, nahihiya na rin siguro siya, dahil sa mga interview niya, e, sinasabi niya na type na type niya talaga ang magaling kumantang male singer!

“Naku, tantanan niya kami, mas macho pa siya sa male singer na ‘yun, ‘no!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Vice wagi kay Ion

Lantaran na talaga kung lantaran ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. Maraming naliligayahan para sa sikat na komedyante-TV host pero siyempre naman ay maraming manang-manang din sa mundo na umaayaw sa relasyon nila.

Natural lang naman ang mga ganu’ng reaksiyon, marami pa ring Pinoy ang nagpapahalaga sa makaluma nating kultura, hindi pa rin nila tanggap nang isandaang porsiyento ang relasyong lalaki at bakla.

Nu’ng isang araw ay na-put on the spot na naman sina Vice at Ion nang mag-promote sa It’s Showtime ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hinanap ni Marya si Ion Perez, kailangan daw makilala nang personal ng aktres ang kanyang manugang sa anak-anakan nitong si Viceral, pinaakyat sa stage si Kuya Escort.

Tinanong ni Marya si Ion kung gaano niya kamahal si Vice. Ang sagot naman niya, “Ito lang po ang masasabi ko sa inyo. ‘Yung anak n’yo, mamahalin ko nang lubos... nang sapat at tapat.”

Natural, kinilig ang mga nasa studio sa naging sagot ng binata, girl na girl naman ang feeling ni Vice Ganda, dahil lantaran nang sinasabi ni Ion ang pagmamahal sa kanya.

Sa tanong naman ni Ogie Diaz sa kanyang pakikipagkuwentuhan kay Ion ay tinanong nito kung totoo ba na ang lalaki, kapag nakipagrelasyon sa beki, ay bakla na rin?

Ang walang kagatul-gatol na sagot ni Ion Perez, “Super-straight po ako, nagkataon lang na nagmahal ako ng isang bakla.”

O, di ba naman, panalung-panalo si Vice Ganda sa kanyang boyfriend?

vuukle comment

FEMALE SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with