Sarah
Halaga ng engagement ring ni Sarah, may isyu
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 12:00am

Gaano kaya kamahal ang engagement ring na ibinigay ni Matteo Guidicelli sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo?

Kahit isang taon lamang siguro ay makakaipon na siya ng pambili rito, yun pa kayang limang taon niyang pinag-ipunan bago ibigay kay Sarah?

Baka kasing mahal na ng singsing ang isang fully furnished mansion complete with several cars in the garage.

Kita naman ang halaga ng singsing kapag suot-suot ito ni Sarah. Bukod sa talagang napakalaki ng bato ay napakaningning pa nito.

Samantala, after her engagement, more work are coming for Sarah. Malayo pa ang Valentine’s Day, pero kasado na ang concert nila ni Regine Velasquez sa masayang araw na ito ng pag-ibig.

Max Eigenmann best actress sa Australia

Marami ang biglang naging interesado kay Max Eigenmann dahil sa pagkakapanalo nito ng Best Actress sa isang international film competition na ginanap sa Brisbane, Australia, sa Asia Pacific Screen Awards para sa pelikula niyang Verdict, film entry ng bansa sa Oscars 2020.

Wala namang tumatawad sa kakayahan niya para manalo ng award. Sa apelyido pa lamang na dala-dala niya ay alam na agad na may pagmamanahan siya ng galing sa pag-arte. Hindi nga lamang siya masyadong matandaan ng manonood dahil nga madalang siyang gumawa ng projects. With her win in Australia, bigla siyang napansin.

Marcelito malaki ang chance sa AGT

Siguradong aabangan ng lahat ang gagawing pagsali ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent: The Champions. Sana lang ay may coverage tayo.

Kilala si Pomoy sa paggamit ng parehong boses na tenor at soprano. Kaya niyang kantahin ang The Prayer nina Andrea Bocelli at Celine Dion nang mag-isa at walang ka-duet.

May isa na rin akong napanood na Pinoy na gumagawa nito sa isa pa ring international competition. Nakita ko ang reaction hindi lamang ng audience niya kung hindi maging ng board of judges. Kaya alam kong malaking impact din ang makukuha ni Pomoy sa AGT.

JC mas nakatutok sa stage play

Kaya pala madalang na lang na mapanood si JC Santos ay dahil nag­hahanda pala ito sa isang stage musical, ang Biag ni LamAng na magsisimulang mapanood ngayong buwang ito hanggang sa susunod sa Cultural Center of the Philippines.

Nakatulong ang matagal-tagal ding absence ni JC para mapaghandaan ang role niya at maging ang kanyang pangangatawan. He has to be fit in body dahil nakabahag lamang siya sa kabuuan ng palabas.

 

SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with