Lebron James at Kawhi Leonard
Harry How/Getty Images North America/AFP
Fans ng NBA dismayado, may reklamo!
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagsakay ng friend ko sa Grab noong isang araw, napansin raw niyang nanonood ang driver ng UAAP sa kanyang TVplus sa kotse. Nagkwento sa kanya ito na tila nagrereklamo dahil na mimiss daw niya ang NBA sa TV.

Isa lang si kuya driver sa marami pa siguradong dismayado sa pangayayaring ito, matapos mawala ang NBA games sa TV kamakailan dahil natapos na diumano ang kontrata nito sa Solar.

Umaasa naman raw si kuya driver sa napabalitang negosasyon ng Cignal at Sky sa NBA Philippines para maipalabas ang mga laro sa cable TV - TV5 at ABS-CBN.

Pero ayon sa binalita sa isang broadsheet, masyadong mataas ang sinisingil sa Cignal at Sky. Triple raw ang hinihingi.

Sabi ni Cignal at TV5 CEO Jane Basas sa Spin.ph, mahihirapan makabawi ang mga kumpanya.

“So we couldn’t recover the old investment before and if you’re put in a situation where you’re expected to invest substantially higher, it’s very challenging,” sabi ni Basas sa report ng Spin.ph.

“The original amount was really tough for all of us. But this one is even harder,” dagdag pa niya.

Sabi pa raw ni kuyang Grab driver, sinimulan na rin ang pag-ere ng NBA sa CNN Philippines.  Pero ang problema niya hindi naman daw nasasagap ang signal.  Sana raw sa mas malalaking networks maipalabas para mas maraming makakapanood.

Gustuhin man raw ni kuya driver mapanood ito sa FB, kinawiwindang rin niya ito dahil kailangan naman ng marami-raming data. Matagal ang basketball games. Imagine ang gastos nun kung gagamit nga naman siya ng data.

Well, kung gusto talaga nilang mapanood ng maraming Pinoy ang mga laro, hindi ba dapat dun na sila sa matagal na nilang kausap? Doon naman lumaki nang lumaki ang NBA sa Pilipinas. 

Kaya pala hindi na rin nagti-trending lately ang laban sa NBA samantalang dati, sabog ang basketball fans.

Anyway, wait natin kung anong magiging decision ng NBA dito.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with