Ji Chang
Mga negosyante nababaliw na rin sa Korean oppas
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Talagang iba ang charms ng mga Korean Oppa, Salve. Imagine, pati ang friend ko na si Susan Chua ng Regent Food Corp., fan na rin ng Korean actors.

Nawindang ako habang kausap namin ni Cristy Fermin sa telepono si Susan noong Martes.

Medyo naaalarma kami ni Cristy dahil nga may welga at picket line sa Regent factory sa Pasig dahil sa labor disputes na nakaka-sad. Kung kailan malapit na ang Pasko, saka may problema ang workers ng Regent Food Corp.

Heto na, pagkatapos kausapin ni Cristy si Susan, ibinigay sa akin ang telepono at ang pagdating sa Pilipinas ni Ji Chang Wook ang unang tanong niya sa akin.

Sino ba raw ang producer ng show ni Ji Chang Wook, si Ben Chan ng Bench o si Jinkee Pacquiao, saan ang meet-and-greet at kailan ang umpisa ng ticket sales?

Bongga ‘di ba? Habang may problema sa factory, may problema rin si Susan kay Ji Chang Wook. Anim na Fil-Chinese bestfriends sina Susan at fans sila ng mga Korean singer at star kaya excited sila sa balita na darating sa Pilipinas si Ji Chang Wook.

At least, natuwa ako dahil sa gitna ng problema ni Susan sa business nila, medyo nada-divert sa iba ang isip niya.

Sobra nang maka-addict ang mga Korean Oppa ‘ha? Tingnan n’yo si Susan, kesa magulo ang utak niya sa strike, si Ji Chang Wook na lang ang inisip niya.

Hindi siya naiiba kay Mama Jinkee Pacquiao, go pa ng Korea para makita ang kanyang favorite Oppa. Grabe na talaga.

Holy Land dinagsa ng mga turista

Mabuti na lang Salve may travel fatigue ako kaya hindi ako naglambing kay Joel Cruz ng Aficionado at Lynette Baldivino na isama ako sa pilgrimage nila sa Holy Land.

Nakakatuwa na marami ang nagpupunta sa birthplace at deathplace ni Jesus Christ na siguro, epekto ng mga pangyayari sa paligid natin, ang mga natural calamity tulad ng lindol, bagyo, bushfire at sunog, na nagbibigay ng iba’t ibang problema sa planeta natin.

Sabi nila, ang 2019 ang taon na pinakamaraming tao ang nagpunta sa Holy Land. Halos every month, may grupo ng mga turista na pumupunta sa Holy Land at ang pinakama­rami ang nagdarasal sa lugar kung saan namatay si Jesus Christ.

Dinala ni Joel Cruz ang buong pamilya niya sa Holy Land pilgrimage. Si Lynette naman, isang grupo ang kasama.

Kakaiba kasi ang karanasan kapag nagpunta sa Holy Land, ang feeling na nakarating ka sa mismong mga lugar na nababasa lang dati sa mga libro at napapanood sa mga pelikula, parang tatayo na ang mga balahibo mo sa katawan.

Sina Joey de Leon at Eileen Macapagal, nagpakasal sa church sa Cena, ang lugar na nagpakita si Jesus Christ. Good sign of faith at ng surrender ang exact feeling na ibibigay ng vibe ng Holy Land.

Kapag hindi na ako feeling pagod at sawa sa biyahe, isasama ko sa plano na dalhin ang travel buddies ko sa Holy Land para ma-feel din nila ang holy feeling surrounding the places ng Holy Land.

Honestly, may mga sponsor na nga kaya lang sinabi ko na ayoko muna ngayon dahil nga sa travel fatigue at isa pa, Pasko na, ang happy season ko. Alam n’yo na!

JI CHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with