Mccoy
Mccoy, hindi pinanghinayangan si Elisse
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatambal ni McCoy de Leon si Janella Salvador para sa pelikulang The Hei­ress na pinagbibidahan ng dalaga at ni Maricel Soriano.

Ayon kay McCoy ay naging madali ang trabaho niya ngayon dahil matagal na rin silang magkakilala ni Janella. “Parehas kami ng handler. So kumbaga, madali lang siguro para sa amin ‘yon. At saka kilala ko din naman siya personally din kaya masaya naman at madali,” bungad ni McCoy.

Matatandaang tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalan ng aktor at Elisse Joson na mas nakilala sa tawag na McLisse. Naging kontrobersyal din ang na­ging hiwalayan nila bilang magkasintahan nina McCoy at Elisse noong isang taon. Wala raw nararamdaman na panghihinayang ang aktor sa pagkawala ni Elisse bilang kanyang katambal noon. “Hindi naman nag-suffer ‘yung career ko. Mas eager akong matuto kasi iba’t ibang tao na ‘yung makakaharap ko, iba’t ibang klase ‘yung matututunan ko sa kanila. Kaya mas lumawak din ‘yung paano ako um-acting. Kasi sobrang dali ‘pag meron kang ka-love team nang matagal kasi kilala mo na siya eh. Di naman ako nagsisisi na siya ‘yung naging ka-love team ko at sa akin naman, may natutunan din ako sa kanya. Masaya rin naman ako sa nangyari sa amin. May reason si God kaya nangyari ‘yon. Ngayon masaya naman parehas. Wala namang problema, importante na matuto tayo,” paliwanag ng aktor.

Samantala, masaya umano si McCoy para kay Elisse at sa kaibigan at kasamahan sa Hashtags na si Jameson Blake. Napabalitang mayroon nang espesyal na ugnayan ang dalawa ngayon. “Masaya ako para sa kanila kasi siyempre matagal kaming magkasama ni Elisse at si Jameson naman kagrupo ko. Kumbaga malalim din ‘yung pinagsamahan naming dalawa. Masaya ako para sa kanila kasi ‘yon naman ang maganda dapat dito sa industriya eh. Hindi mo kailangan ibaba ang mga tao. Hangga’t maaari ‘pag naging successful sila, hangga’t maaari, itaas mo din sila. Kaya sa akin, okay ako,” pagbabahagi ng binata.

Sunshine madalas kasama si Diego

Madalas na binibisita ni Diego Loyzaga ang tatlong anak na babae nina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa bahay. Si Diego ay anak din ni Cesar kay Teresa Loyzaga at ayon kay Sunshine ay talagang maayos ang turingan sa isa’t isa ng kanilang mga anak. “Yes, he visits my kids. May time na almost everyday, every week nandoon siya sa house with my children. Napakabait na bata niyan,” nakangiting pahayag ni Sunshine.

Ikalawang ina na rin daw ang turing sa aktres ni Diego kaya talagang maayos ang kanilang samahan. Kung sakaling bumalik sa show business ang aktor ay patuloy itong susuportahan ni Sunshine. “Kung ano man ang balak niya, ang plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine niya at mga kapatid niya na mahal na mahal siya. nandito kami to support him, lagi naman,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with