^

PSN Showbiz

Nag-walkout na singer pinasukan ng hangin ang utak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nga tapos ang mga kuwentong sangkot sa ginawang kawalan ng propes­yonalismo ng isang female personality sa concert ng isang baguhang male singer.

Hindi na nakapagpigil sa pagkukuwento ang mga nandu’n mismo habang nagaganap ang pagmamarakulyo ng female singer na balitang iniuntug-untog ang kanyang ulo sa pader.

Kuwento ng isang saksi sa nangyari, “Totoong iniuntog niya ang noo niya sa dingding, pero protektado niya ang ulo niya. Nakakalang ang kamay niya sa noo niya, kaya hindi tumatama sa pader!

“Hindi siya nasasaktan dahil kamay niya ang tinatamaan ng ulo niya, saka hindi naman malakas ang pag-uuntog niya sa noo niya, mahina lang!

“Nakita ‘yun ng mga co-singers niya, kitang-kita nila ‘yun! Nakakalang ang kanan niyang kamay habang kunwari, e, iniuuntog niya ang noo niya sa dingding ng venue!

“May bukol ba siya? Nagkaroon ba siya ng bukol sa noo? Wala talaga, kasi nga, e, hinaharangan niya naman ng kamay niya ang noo niya habang kunwari, e, iniuuntog niya ang noo niya!” madiing pahayag ng isang source mismong nakakita sa female singer na nag-walkout.

Isa pang pagpansin ng mga miron sa female singer ay ang kawalan niya ng PR. Sa edad na edad na lang ay dapat siyang nagpupugay sa mga singers na mas nauna na sa kanya nang milya-milya sa pagkanta.

Patuloy ng aming source, “Akala yata kasi ng babaeng ‘yun, e, sikat na sikat na siya! Totoong magaling siyang kumanta, pero hindi naman ‘yun guarantee na hindi na siya rerespeto sa mga beteranong singers!

“Kailangan niyang magpakumbaba, ipakita niya ang pagrespeto, hindi ‘yung basta na lang niya dadaanan ang mga veteran singers na parang wala lang!

“Naku, napakaagang pinasok ng hangin ang ulo ng babaeng ‘yun, napakaaga niyang nagpakita ng unprofessionalism na number one pa namang kailangan para tumagal ang kanyang career!

“Magdamay ba ng ibang tao sa mga dinadala niyang problema? Mas dadami ang mga bitbit niyang problema kung wala sa ayos ang mga ginagawa niya!

“Kailangan nang turuan ang babaeng ‘yan dahil sayang na sayang siya! Walang mangyayari sa mga pangarap niya kapag ganyan na sa umpisa pa lang, e, marami na siyang kaartehan sa buhay!

“Magtigil siya! Huwag na niyang isangkalan sa mga kalokahan niya ang mga taong nananahimik at trabaho lang naman ang inaasikaso!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alex nakipag- collab kay Raffy Tulfo!

Magsisimula na kami sa Cristy Ferminute ng aming bagong partner na si Romel Chika nang makarinig kami ng isang malakas na boses. Kilalang-kilala namin ang boses na ‘yun.

Maya-maya pa ay sinabi niya, “Nanay!!!! Si Alex Gonzaga po!!!”Alam naming nandu’n siya sa TV5 nu’ng Huwebes nang hapon, pero nasa studio siya ni Kuya Raffy Tulfo, meron silang kolaborasyon sa vlog ni Alex na milyun-milyon ang kanyang followers.

Sinuwerte si Alex sa bagong mundong pinasok niya, kuwento nga ni Ogie Diaz ay kumikita siya nang dalawang milyong piso buwan-buwan, dahil sa dami ng commercials na pumapasok sa kanyang matagumpay na vlog.

Si Kuya Raffy Tulfo ang sinundan-sundan ni Alex ang mga galaw nu’ng Huwebes nang hapon. Tulad ni Alex ay panalo rin ang YouTube at FB accounts ng matagumpay na komentarista, mahigit na siyam na milyon ang sumusuporta kay Kuya Raffy, kaya siguradong magiging matagumpay ang kanilang kolaborasyon ni Alex.

Masayang-masaya kami sa pagdalaw ni Alex, hindi kami maghuhugas-kamay, madalas namin siyang pitikin sa aming mga kolums kapag hndi kagandahan ang mga ipinakikita niya.

Pero sa mga panahon namang maganda ang kanyang ginagawa ay hindi kami nag­dadamot ng espasyo sa aming mga kolums para purihin siya. Alam ni Alex na kakampi niya kami sa tama at isa sa pinakaunang kalaban niya sa mali.

Napansin namin na mas nagkalaman ang kanyang katawan ngayon, nagniningning din ang kanyang mga mata, hindi man niya sabihin ay kitang-kita ang nakaguhit na kaligayahan sa kanyang mukha dahil sa karelasyon niyang abogado.

At maganda ang takbo ng kanyang career, may regular siyang mga programa sa ABS-CBN, at nadagdag pa nga ang napakamatagumpay niyang vlog na sinusubayba­yan nang milyun-milyon nating mga kababayan.

Maligaya kami para sa aming anak-anakan na taklesa at makulit pero hindi nagtatanim ng sama ng loob sa mga taong alam niya namang nagmamalasakit lang sa kanya.

vuukle comment

UTAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with