Michelle Dee may chance sa Miss World
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Associated Press) - November 14, 2019 - 12:00am

Kahapon ang send off presscon ng GMA-7 para kay Michelle Dee, ang Philippine representative para sa Miss World 2019 na gaganapin sa London sa December 14, 2019.

Mukhang malaki naman ang tsansa ni Michelle dahil may awareness naman siya sa beauty pageant na sasalihan dahil daughter siya ng former Miss International na si Melanie Marquez.

Matalino, maganda at matangkad si Michelle at dahil naging favorite ng Miss World Organizer ang dating Miss World winner na si Megan Young, sana in the bag na ang korona for our candidate na deserving talaga na manalo. Good luck Michelle!

Labanan sa The Clash... neck to neck na

Neck and neck ang labanan ng 12 finalists ng Season 2 ng The Clash, ang pinag-uusapan na singing competition ng GMA-7.

Mahuhusay at may stage presence ang lahat ng finalists kaya walang itulak-kabigin sa kanila.

Mahihirapan ang mga hurado ng The Clash sa pagpili ng winners dahil parang mga professional singer na ang magkakatunggali. Tunay na isang tulay ang GMA-7 para makamit ng mga Clasher ang pangarap nila.

Maganda rin ang combination ng judges na sina AiAi Delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista, pati na ang participation nina Ken Chan at Rita Daniela bilang mga Clash Mate.

Sana nga, magkaroon ng The Clash every year para ma-showcase ang talent ng mga baguhan na gustong makamit ang pangarap nila na makilala bilang magagaling na singer.

Mundo ng social media malaki ang kita!

Amazing pala ang world of social media, ayon sa kuwento nina Ogie Diaz at Mr. Fu na malaki na ang kinikita sa YouTube at Facebook.

At grabe dahil in US dollars ang bayad sa kanila kaya pala sa tuwing may mga presscon, nakatayo ang lahat ng mga reporter at nakatutok sa mga artista at pangyayari ang mga cellphone camera nila.

Bongga dahil nakakatuwa na aside from writing, may another source of income na ang ibang mga showbiz writer.

Dahil sa progress ng modern technology, nabuksan ang isa pang pinto para madagdagan ang kinikita ng mga taga-showbiz. Like ko ang news na ‘yan pero past my brain na ang Facebook at YouTube dahil hindi nga ako techie.

Marunong na ang lahat na mag-text sa cellphone nang matuto ako ng texting. Hanggang ngayon, hindi ko pa napapanood ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) dahil hindi ko alam magbukas ng Facebook.

Hahaha.

Ilang beses na rin na itinuro sa akin ang panonood sa YouTube at gumamit ng apps pero hindi ko talaga matutunan.

Kung techie ako, kakumpitensya ako ng mga YouTuber at Facebook live na ‘yan. Buti na lang, wah ko know or else, siksikan kami pagkuha ng video, baka pulos sex video ang makunan ko, joke lang!

Personal…

May favor ang accountant ko na si Ma­yette Pagunsan tungkol sa homecoming ng Adamson University Chemical Engineering Alumni Association na magaganap sa November 23, 2019, 6 pm, sa Century Park Hotel, Manila.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo para sa isang memorable get-together ng Adamson University Chemical Engineering Alumni Association.

Rock & Roll ang theme ng alumni homeco­ming kaya ipinapaalala ni Ms. Doris Trinidad ng PETSS Inc. .

MICHELLE DEE MISS WORLD 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with