^

PSN Showbiz

Miracle ni Aga nag-trending

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Associated Press
Miracle ni Aga nag-trending
Aga

SCENE: Mapangahas ang mga eksena ni Rhen Escano sa Untrue na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim pero mas daring siya sa Adan, ang launching movie nila ni Cindy Miranda na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 20.

SEEN: Ang horror movie na Rooftop ang third movie project ni Rhen Escano sa Viva Films kasama sina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Marco Gallo at Andrew Muhlach sa direksyon ni Yam Laranas.

SCENE: Isang linggo na na-confine si Ryza Cenon sa ospital dahil sa pneumonia. Dalawang linggo na pinagpahinga ng doktor si Ryza na nagpapasalamat dahil natapos na ang The General’s Daughter nang magkasakit siya. Ang Delta at Rooftop ang mga pelikula na ginagawa ni Ryza sa kanyang mother studio. Bida rin siya sa television action series na Bella Bandida na mapapanood sa Sari-Sari Channel.

SEEN: Sumusumpa si Ryza Cenon na hinding-hindi na siya makikipagrelasyon sa kapwa artista, pagkatapos ng break up nila ni Cholo Barretto.

SCENE:  Ang Rooftop ang unang pelikula ni Marco Gallo bilang contract star ng Viva Artist Agency.

SEEN: Nagpaayos ng ilong ang isang aktor at umaasa siya na normal na uli ang hitsura niya kapag nagsimula na ang promo para sa kanyang bagong pelikula sa December 2019.

SCENE: Napaiyak si Lea Salonga nang mapanood nito ang teaser trailer ng Miracle in Cell No.7, official entry sa 45th Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ng kanyang kaibigan na si Aga Muhlach. Nag-trending ang teaser trailer ng Philippine adaptation ng popular Korean movie nang i-release ito ng Viva Films noong Martes nang gabi. Naniniwala ang mga nakapanood ng teaser trailer na malaki ang tsansa ni Aga na manalo ng best actor award sa pelikula.

vuukle comment

AGA MULACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with