Lovi
Lovi makikipag-lovemaking sa ghost!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

Isa si direk Joel Lamangan sa awardee sa 3rd Diamond Golden Awards ng BG Films International noong nakaraang Linggo. Hindi lang nahintay ni direk Joel ang pagbigay ng award sa kanya dahil lagpas 10:00 p.m. na kaya kailangan na niyang umuwi at matulog.

Maingat si direk Joel sa kalusugan niya. Kaya ayaw daw muna niyang mag-soap dahil nakaka-stress ang araw-araw na taping.

Okay na raw muna ang mag-movies, gaya nang tinatapos niya ngayon sa Viva Films.

Meron pa siyang gagawin sa BG Films, at meron pa dapat na tatapusin si direk Mel Chionglo sa produksyon ni Baby Go.

Samantala, natutuwa si direk Joel sa ginagawa niya sa Viva dahil maga­ling at hindi raw siya nagkakaproblema sa mga artista niya. Ginagawa niya ang In Between Goodbyes na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca.

“Maganda ang chemistry ni Lovi  sa dalawang batang lalaki,” lahad ni Direk Joel. “Cooperative lahat sila. Boys and girl. Mahusay sila! Something to look forward to, for next year! Valentine offering.

“This is a romantic ghost story. Kakaiba! Nakikipag-lovemaking ang ghost! Ricky Lee ‘yan, ha?  At hindi iyan horror. Romantic! Parang Ghost ni Demi Moore. Love story.”

Four days na lang daw matatapos na sila, at very smooth daw ang shooting dahil walang kaarte-arte ang mga artista.

Daring daw ang pelikula na walang kiyeme sa mga daring scenes ang tatlo niyang artista.

Kung may pa-puwet si Marco Gumabao, meron naman daw ipapakita si Tony Labrusca na tiyak paglalawayan ng mga bading.

Saka na lang daw pag-usapan ang ilang detalye dahil matagal pa naman ang showing nito.

Nanghinayang man si direk Joel na hindi nakapasok ang Isa Pang Bahaghari sa Metro Manila Film Festival, pero baka babagay naman daw sa Summer MMFF next year.

Cong. Alfred dalawang pelikula ang natapos

Doon pa rin sa Diamond Golden Awards, nakatsikahan din namin ang isa pang awardee na si Cong. Alfred Vargas. Natutuwa siyang nagkuwento sa aming bago siya tumuloy sa event ni Baby Go, dumalo rin siya sa opening ng beauty clinic ng isang kaibigan na dinaluhan din ni Yorme Isko.

Nagkausap daw sila roon at tuwang-tuwa si Cong. Alfred dahil sobrang na-inspire raw siya sa mga ginagawa ni Mayor Isko sa Maynila. “Humingi ako ng payo sa kanya, and magaling magbigay ng payo si Yorme. And very practical siyang mag-isip. Tapos, alam na alam niya iyong mga problema ng lipunan. Kasi, galing sa puso, e. So, kanina, mga ilang oras kaming magkasama, andami kong natutunan sa kanya.

“And inspiration sa akin si Mayor Isko. Kasi, katulad niya, katulad ko, parehas kami, mula sa showbiz, we sacrificed our careers to make a difference,” pahayag ni Alfred.

Nakakatuwa na pareho raw silang Seiko jewels, kaya tiyak na proud si Boss Robbie Tan sa kanila.

Last term na ngayon ni Cong. Alfred bilang Representative ng District 5 ng Quezon City.

Baka hindi na raw muna siya tatakbo sa susunod na eleksyon dahil gusto rin niyang mag-focus muna sa pag-aartista.

Dalawang pelikula na ang natapos ni Alfred at baka isasali raw nila sa Summer MMFF ang nagawa niyang Tagpuan.

Meron din siyang natapos na Wild Little Love para sa iWant TV.     

Karylle hinihintay na rin mabuntis

Si Karylle na lang sana ang hinihintay na mabuntis sa mga taga-It’s Showtime.

Pero masaya ang singer/host para kay Anne Curtis dahil na-open na nila ngayon ang kanyang kalagayan.

“We’re just happy it’s out in the open, every­one can pray for their safety. Also for Mariel (Rodriguez), kasi Mariel will give birth anytime soon,” masayang pahayag ni Karylle.

Wala namang nangahas na magtanong kay Karylle kung kailan naman siya mabubuntis dahil maselang isyu na rin ito at baka hindi siya kumportableng sagutin ito.

Matagal na rin kasi sila ni Yael Yuzon bilang mag-asawa at baby na lang ang hinihintay sa kanila.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with