Bong
Jim dapat alalahanin ang sex scandal bago birahin si Bong
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

Mukhang nakalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya dahil tumitira na naman siya ngayon ng mga tao at  si Senator Bong Revilla, Jr. ang kanyang target, Salve.

Imbes na mambatikos at mag-sourgraping, dapat na maging masaya si Jim dahil unti-unti nang nalilimutan ng publiko ang isyu  tungkol sa kanyang viral sex video.

Kailangan na bigyan ng chance ang mga tao na mu­ling  buma­bangon mula sa pagkakadapa.Kailangan na mas maging maunawain ang kagaya ni Jim na nabigyan ng second chance para muling makabangon.

Pinuri ng mga netizen ang bill ni  Bong na ibigay ng mas maaga ang benefits para sa mga senior citizen, bakit sarcastic si Jim?

Eh kung buweltahan si Jim na sa edad nito, hindi na siya dapat nagkakaroon ng sex scandal. Mas masakit ‘yon di ba?

Isa ako sa mga nauna noon na nagsabi na dapat na  unawain natin ang kalagayan ni Jim, kahit tinawag niya ako  na demented woman nang mang­yari ang filmfest scam noong 1994  dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakala­king bagay na may isang tao na nagpapakita ng pang-unawa at bukas ang  puso sa pagpapatawad.

Sana after his video scandal, mas naging malawak ang isip at mapagpatawad  ang puso ni Jim. After all, kung nakagawa  siya ng mali, dapat na makita rin niya na walang tao na perpekto at kung tinanggap ka uli ng mga tao, dapat na ganito rin ang kanyang trato sa iba.

Huwag  kang masyado political at fault finder Jim Paredes.Palagi mong balikan ang araw na pumutok ang video scandal mo at maging aral ito sa’yo.

Walang K maging judgmental

Ipinagpuputok ng butse ni Jim Paredes ang plano ng GMA 7 na bigyan ng regular television show si Bong Revilla, Jr. dahil hindi raw ito karapat-dapat na maging role model ng mga kabataan.

Nag-boomerang kay Jim ang kanyang mga sinabi. Kahit hindi siya sagutin ni Bong, ang taumbayan ang rumesbak at nagpaalaala sa kanya tungkol sa video scandal niya.

Makatao ang GMA 7 dahil marunong sila na magbigay ng second chance. Walang ipinagkaiba ang Kapuso Network sa management ng Star Publications na binigyan uli si Jim ng pagkakataon na ipagpatuloy nito ang kanyang weekly column sa Philippine Star na pansamantalang namahinga nang sumabog ang video scandal niya.

Walang karapatan si Jim na maging judgmental dahil pareho sila ni Bong na nabigyan ng second chance.

Vice Ganda at Quiboloy parang ‘commercial’ lang 

Cute para sa akin ang sagutan nina Vice Ganda at Pastor Apollo Quiboloy.

Hinamon ni Vice si Quiboloy na pahin­tuin nito ang traffic sa EDSA at ang Ang Probinsyano dahil sa claim ng pastor na pina-stop nito ang malakas na lindol sa Mindanao.

Ang cute ng sinabi ni Quiboloy na mali ang ginamit na words ni Vice Ganda na pahintuin niya ang traffic sa EDSA dahil di nga ba nakahinto na dahil sa sobrang trapik? Ang galing di ba?

Minsan talaga, marami ang mga nangyayari sa paligid natin na source of small joy to us, pinag-uusapan, ginagawa na katatawanan at kino-comedy na lang.

Diyan magaling ang mga Pilipino kaya matibay tayo sa anumang kalamidad. We joked about everything at kahit ang ating mga sarili, nagagawa na pagtawanan na nagpapatibay sa emosyon natin.

Light lang ang buhay kaya huwag masyadong dibdibin ang mga isyu para hindi natin mapansin ang mga problema.

Maghintay lamang tayo ng  tamang panahon, maaayos din ‘yan tulad ng traffic na kapag nawala,tiyak na mami-miss natin at baka maging sad pa tayo.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with