_ngayon
^
Carlo umiiwas sa pangalan ni Angelica
Angelica
Angelica Panganiban/Instagram

Carlo umiiwas sa pangalan ni Angelica

Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Speaking of Bagman, ayaw nang masyadong mag-react ni Carlo Aquino pag tinatanong tungkol kay Angelica Panganiban.

Hindi pa raw sila nag-uusap formally pero plano niyang mag-reach out sa ex. “Hindi pa po kami nag-uusap. Pero nung nagkita kami sa (ABS-CBN) trade launch last week, hi hello po kami. Ok naman po,” kuwento nang actor sa presscon kahapon sa Season 2 ng iWant’s socio political action drama series Bagman na kontrobida ni Arjo Atayde sa nasabing series.

“Papunta ako sa way niya, hindi ko agad siya nakilala kasi may kasama ako. Kausap niya si John Prats,” dagdag na detalye ng actor.                

Bakit ganun ang galit sa ‘yo ni Angelica, sobra bang pinaasa mo siya? Tanong sa kanya ni tita Ethel Ramos. “Ayoko ko rin sanang magsalita kasi pag nagsasalita ako parang mas lumalalim ‘yung mga nangyayari, nagkakasamaan ng loob. Mas importante sa akin kung makakausap ko siya ng personal.

“Pero hindi pa siyempre ngayon, busy siya, busy ako, so wala pang time. Siguro kung mag-uusap kami. Siguro kapag ok na ang lahat,” sabi pa ng aktor na gaganap na hitman sa Bagman.

Madali mo bang nasabing excess baggage siya kaya ganun ang nangyari, biro pa ni tita Ethel na ikinatawa ng actor. Ang Excess Baggage ang hit movie nila last year at doon nagsimula ang naudlot nilang balikan.  

“Mas mabuti siguro na kami na lang ang mag-uusap,” he insisted.

At nang tanungin siya tungkol sa non showbiz girlfriend niya, happy daw siya sa relasyon kay Trina Candaza na hindi niya binanggit ang name.

Very open si Angelica sa ‘galit’ niya sa ex. Pinaka-last ngang post nito na patungkol kay Carlo ay ang “Natitirang matitinong Aquino na mahal na mahal ko. Mi familia,” nang batiin niya (Angelica) ang companion sa Italy na Aquino ang last name.

Nang may mag-comment ng “Carlo Aquino left the group,” sa nasabing post, agad na sumagot ang actress ng  “Matagal na niyang ginawa.”

Nauna nang inamin ni Carlo kay tito Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda na : “Siguro po (pinaasa ko siya),” sa tanong ni tito Boy kung pinaasa ba niya ang actress. ”Mahal ko siya, pero parang mas gusto nang mas friends kami. Natatakot lang talaga kasi ako na masaktan siya ulit.”

Anyway mas violent ang Season 2 ng Bagman ayon kay Carlo. At hindi ito ang first time na nagkontrabida ang actor. “Nung nasa GMA ako medyo marami-rami na akong nagawang kontrabida role.”

Matitira nga ang mas matibay kina Arjo at Carlo sa paghaharap nila para lamangan ang isa’t isa sa bagong season ng socio-political series na Bagman, na mapapanood na sa iWant simula ngayong Nobyembre 13 (Huwebes).

Nagbabalik ang Bagman matapos mapanood ang first season nito na pinuri ng maraming manonood at netizens para sa makatotohanan at matapang na paglalahad nito ng kalagayan ng lipunan.

Tampok sa Bagman hindi lang ang mapangahas na pagsusuri sa mundo ng pulitika at katiwalian ngunit ang pagsasalpukan ng dalawa sa aktingan ng pinakapinupuring aktor ng kanilang henerasyon.

Nananatiling palaban si Arjo sa serye bilang si Gov. Benjo Malaya, ang dating barberong umangat sa mundo ng pulitika at katiwalian, hanggang sa mag-agaw-buhay siya matapos subukang paslangin sa pagtatapos ng unang season.

Dahil nakaligtas mula sa kamatayan, manga­ngako si Benjo na gagawin ang lahat para makapaghiganti sa mastermind sa likod ng pagtatangka sa kanyang buhay, pati na ang hitman na bumaril sa kanya -- si Emman (Carlo).

Samantala, haharapin naman ni Emman (Carlo) ang kapalit ng pagkabigo niyang patayin ang gobernador at papatunayang karapat-dapat siyang pagkatiwalaang muli. Sasailalim siya sa misyong tapusin ang buhay ni Benjo sa ilalim ng bago niyang boss na si Rep. Ricardo Matias (Romnick Sarmenta).

Ang eight-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, nilikha nina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo, at ipinrodus ng Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.

Kabilang din sa cast ng Bagman sina Irma Adlawan, Rez Cortez, Joel Saracho, Mon Confiado, Rollie Inocencio, Menggie Cobarrubias, Chanel Latorre, and Rosanna Roces.

Mapapanood nang libre sa iWant ang bagong season nito simula Nobyembre 13.

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with