^

PSN Showbiz

Bianca at Ruru exciting ang love story

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bianca at Ruru exciting ang love story
Bianca

Gustung-gusto ko ang story ng Bianca Umali/Ruru Madrid incident sa parking lot na maaksyon at madrama.

Cute story of young lovers and romance pero hindi pa naman umaamin ang dalawa na may relasyon sila.

Pero dahil sa intriga tungkol sa parking lot incident, baka umamin na sila.

Bagay naman sina Ruru at Bianca dahil physically, mas parang tugma sila sa height at appearance.

Mas mahirap pa nga kung ililihim nila ang pagkakaroon ng relasyon dahil nasisira ang kanilang mga credibility. Matatalino na ang fans, lalo na sa panahon ngayon ng social media. Hindi na sila puwedeng eklayin at hindi nila basta pinaniniwalaan ang mga pralala na “we’re very close.”

Sana nga maging masaya sina Ruru at Bianca dahil nakakatuwa ang mga intriga at kontrobersya na pinapasok nila na baka sakaling mawala kung magiging open na sila sa public tungkol sa kanilang tunay na relasyon. Young lovers, how sweet.

Rhea, pamilya na ang turing sa endorsers

Bongga naman si Rhea Tan ng Beautederm. Sa sobrang love niya sa kanyang mga ambassador na sina Ken Chan, Sanya Lopez, Rita Da­niela, Camille Pratts at Pauline Mendoza, binigyan niya ang lima ng negosyo package.

Sobra ang excitement ni Ken kaya tanong ito nang tanong tungkol sa negosyo package ng Beautederm dahil ito ang gusto niya na maging negosyo ng kanyang mother.

Pareho sila ni Sanya Lopez na ibibigay sa mga nanay nila ang negosyo package na surprise gift sa kanila ni Rhea.

Parang pamilya na talaga ang turing ni Rhea sa kanyang mga celebrity ambassador na pinaghahanap na niya ng puwesto sa mall para sa negosyo package branch ng Beautederm.

Inaabangan naman ng mga tao ang meet-and-greet ng celebrity ambassadors ng Beautederm. Talagang dinadagsa ng fans ang bawat lugar na pinupuntahan ng Beautederm stars.

Ay naku, hindi kataka-taka na bigla naging  number one spot ang Beautederm products sa market.

“What you sow, you reap. What you give, you get one hundred times in returns,” ang motto at success formula ni Rhea na napatunayan na nito ng maraming beses.

Siyempre, malaking factor sa success ni Rhea ang kanyang asawa na si Sam na nasa background lang pero full support sa lahat ng mga plano niya. Lovely team.

Rita nagbubunga na ang paghihirap

Bagay kay Rita Daniela ang mahaba na hair extension dahil girl na girl ang itsura niya nang ipakilala siya bilang isa sa mga celebrity ambassador ng Beautederm.

Happy ako para kay Rita dahil sa wakas, napapansin na ang kanyang acting at singing talent.

Matagal din na naghintay si Rita ng break. Puro supporting at contravida roles ang ibinibigay sa kanya noon pero never siya na naringgan ng reklamo hanggang mapansin ang Aubrey character niya sa My Special Tatay.

Nagbunga ang matiyaga na paghihintay ni Rita dahil inaani na niya ngayon ang kanyang mga pinaghirapan.

Nagugulat pa ang mga tao kapag naririnig ang bongga na singing voice niya. Nakalimutan na nila na si Rita ang grand champion sa isang singing competition para sa mga bata na sinalihan niya noon.

Sana nga, magtuluy-tuloy ang tagumpay ni Rita na masayang-masaya dahil tinatangkilik ng televiewers ang One of the Baes, ang primetime television series ng GMA 7 na humahataw nang todo sa ratings.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with