Female personality nakahanap ng kakaibang negosyo para mabuhay!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

Literal na walang pinagkakakitaan ngayon ang isang kilalang female persona­lity. May mga plano siyang gagawing proyekto pero hanggang ngayon naman ay wala pang natutuloy.

Hindi siya sanay sa ganyang kalakaran. Dati’y sumusuka sa kabusugan ang kanyang bulsa dahil sa lakas niyang kumita.

Marami siyang ginagawang pelikula na in fairness ay kumikita talaga, bumibida siya sa mga serye na may magandang rating, palagi siyang abala sa pagtatrabaho.

Hanggang sa mawindang ang personal niyang buhay. Napakakontrobersiyal ng pinag­daanan nilang paghihiwalay ng isang pamosong male personality na humantong pa sa husgado.

Mula nu’n hanggang ngayon ay hindi na siya humaharap sa mga camera. Puro painterbyu lang ang paminsan-minsang dahilan para makita siya ng kanyang mga tagasuporta.

Sa isang malaking umpukan ay ang female personality na ito ang naging paksa. Paano nga kaya siya namumuhay ngayon kung ganyan na wala naman siyang kinikita?

Kuwento ng isang source sa umpukan, “‘Yung para sa mga bata, sinagot na ‘yun ng ex niya, wala na siyang iniintindi. Pag-aaral, gastos sa school, lahat ‘yun, e, sinasagot na ng male personality.

“Pero hindi na idinadaan sa kanya, direktang pinababayaran sa school ng male perso-nality ang matrikula ng mga bagets, sa mga bata rin diretsong ibinibigay ng male personality ang mga pangangailangan nila.

“Kapag may enough time, naggo-grocery ang mag-aama, nagsa-shopping sila, alam na ng male persona­lity ang mga dapat niyang gawin ngayon,” kuwento ng impormante.

Paano na ang female personality, saan at kanino siya kumukuha ng panggastos, paano na ang kanyang kabuhayan showcase?

Isang source naman sa grupong nagpipista ang nagkuwento, “Maparaan siya! Hindi siya puwedeng magutom kahit hindi siya nagtatrabaho! Marami siyang nagagawang paraan para magkaroon siya!

“Kanino ba siya nakadikit ngayon, di ba, sa isang girl na nagbibigay sa kanya ng bundle of joy? Wala siyang ibang dapat gawin kundi ang kumampi nang kumampi du’n sa girl, ayos na ang bundle-bundle niya!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Kesehodang mag-imbento siya ng kung anu-anong istorya, kesehodang pinagtatawanan na siya ng buong mundo, e, wala siyang pakialam!

“’Yun na ang negosyo niya ngayon, ang pagiging starter ng gulo!” napapailing na pagtatapos ng source na windang na windang sa mga kadramahan ng female personality.

Ubos!

Milagro kailangan ng pamilya Barretto

Nagpamisa si Gretchen Barretto. Healing mass ang ipinang-imbita niya sa kanyang mga kaibigan. Nandu’n din si Mommy Inday Barretto.

Siyempre’y nandu’n din si Mr. Tony “Boy” Cojuangco pero wala si Mr. Atong Ang. Walang masama sa pagpapamisa, anumang may kinalaman sa relihiyon ay walang mali, kapuri-puri ang ganu’ng aktibidad.

Healing mass para siguro sa sitwasyon nga­yon ng negosyanteng karelasyon ni Gretchen na nakikita ng ating mga kababayan na gumagamit na ng tungkod kung minsan dahil sa kanyang karamdaman sa bandang likod at balakang.

Healing mass para siguro ang mga nakatagong galit sa kanilang puso ay maibsan. Hindi lang naman pisikal na problema ang ihinihingi ng basbas at tulong, ang puso ay mas nangangailangan ng paggabay, napakaliit ng ating puso para punuin pa ng galit at pagngingitngit sa ating kapwa.

Harinawang magkaroon ng positibong resulta ang ginanap na healing mass, sana nga ay hipuin ng Diyos ang puso ng mag-iina para matigil na ang kanilang paglalaban-laban na hindi lang naman sila ang nakakaalam, kundi pati ang buong mundo.

Magkaroon na nga sana ng katahimikan ang kanilang mga kalooban, tutal naman ay iisang dugo sila, na laban sa sinumang labas ng kanilang pamilya ay dapat silang magkakahawak-kamay.

Mag-heal na nga sana ang galit na nananahan sa kanilang mga puso nang maraming taon, magkaroon sana ng milagro sa pamilya Barretto, harinawa.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with