Andi babalikan na ang career!
Andi
Andi babalikan na ang career!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

Sa kabila ng bibihira na siyang gumawa ng movies, ipinaaalam ni Andi Eigenmann sa lahat ng gumagawa ng pelikula na malapit na muli siyang tumanggap ng project. Hindi marahil puwede ang serye sa TV dahil mahihirapan na silang magpabalik-balik ng Maynila at Siargao na kung saan ay nakabase na sila ng partner niyang si Philmar Alipayo, isang surfer din.

Hindi pa naman iniiwan ng aktres ang kanyang pag-aartista kahit madalas na siyang hindi makita sa lungsod. Nabinyagan na ang panganay nila ng surfer sa isang simbahan sa lungsod. Narun si Ellie, panganay niyang anak kay Jake Ejercito, para saksihan ang pagiging Kristyano ng kapatid na babae.

James walang selos sa katawan

Kahit hiwalay na sila ng career, patuloy ang magandang samahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Kahit magkahiwalay ang mga project ay nagsusuportahan sila. Pero si Nadine ay tila mas lumakas ang loob na magpaka-daring. May mga topless pictorial na ito na tila naman hindi ikinagagalit ng ka-live-in niya.

Hindi rin marahil hihindi si James kapag magpakita pa ng more skin si Nadine at sumige na sa kissing at love scenes?

Mga biktima ng lindol kailangan pa ng mas maraming Angel

Nakakaiyak naman yung mga biktima ng lindol na namamalimos na sa lansangan ng kanilang lugar sa Mindanao. Sana marami pang ibang ma-inspire si Angel Locsin na magbigay din ng tulong, may kakayahan dito ang marami nating artista, pulitiko at negosyante.

Bakit kailangang may mamalimos ng pagkain, tubig at matutuluyan?

Kyle nanganganib kay Seth?!

Bilib naman ako sa ginagawang pag-aalaga ng isa kong katoto sa panulat kay Seth Fedelin.

Hindi naman siya binibigo ng baguhang aktor. Bukod sa masunurin ito ay talaga naman masipag sa kanyang trabaho.

No wonder ang bilis ng asenso, hindi siya naapektuhan sa pagdating ni Louise Abuel sa Kadenang Ginto. Kung meron mang dapat mag-aalala sa pagkakadagdag nito sa KG, si Kyle Echarri ito na nanganganib maagawan ng kapareha.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with