Marjorie
Eskandalo ng Barretto sisters, embarassing na!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

Siguro, ang naganap sa burol ni Papa Mike Barretto will be one of the longest news na pag-uusapan sa showbiz dahil may dagdag na side story, ang banta na pagsasalita ni Marjorie tungkol sa “powerful bad boyfriend” ng kanyang sister na si Gretchen Barretto na hindi nagpatalo.

Nagsabi rin si Gret­chen Barretto na she will open all the secrets why nag­kagulo ang pamilya nila.

I don’t know why the family feud has gone this far. Ang ganda pa naman tingnan together ng mga Barretto dahil lahat sila ay nabigyan ng magagandang mukha, nagkaroon ng pagkakataon na umangat ang buhay.

Isa na rin sila sa masasabi na ugat ng showbiz dahil parang mga brand na rin sila, the Barretto’s.

So sad na nagkaganoon ang buhay nila na parang te­l­e­serye, isang teleserye na hindi maganda ang twists and turns dahil napuno ng intriga, kontrobersya  at mga bagay na hindi natin inakala na mangyayari.

A daughter na hindi dumalaw sa ama na maysakit, a sister na hindi magawa na magpatawad, a sister siding with another sister na ikinagalit ng isang kapatid, a niece na nagawang sabunutan ang kanyang tita, and the worst eskandalo sa tabi ng kabaong ng ama nila na namatay, sa harap ng kanilang grieving mother.

Parang surreal at isang eksena na sa imagination lang natin puwedeng mangyari. So sad. So embarrasing.

A scene and action that they will regret forever. Now you mention Barretto, ang eksena ng pagkakagulo nila ang natatandaan ng mga tao. Unforgettable.

Hinihintay ng mga tao ang muling pagsasabong ngayon ng Barretto sisters na parehong may mga banta na may pasabog sila laban sa isa’t isa.

May mga naniniwala na hindi na magkakasundo sina Gretchen at Marjorie dahil wala nang hihigit pa sa pag-aaway nila sa harap ng bangkay ng kanilang pumanaw na ama.

Naintriga rin ang mga mahihilig sa tsismis sa sinabi ni Gretchen na magkasundo na sila ng kanyang nanay na si Inday Barretto na magsasalita rin daw tungkol sa kanilang family feud. Si Marjorie ang kasa-kasama ni Mommy Inday noong naka-confine sa ospital si Papa Mike hanggang sa burol nito kaya wondering sila kung tulad ni Claudine, “nag-jump ship” na rin ang Barretto matriarch.

Nanggaling kay Marjorie ang salita na magkasama sila ni Claudine sa ospital hanggang mag-jump ship ang kanyang kapatid na bunso.

Rhian magpapa-birthday sa depressed areas

Isa si Rhian Ramos sa mga artista na gusto ko Salve. Hindi siya ang artista na showbiz ang ugali kaya hindi siya gaanong naging close sa mga showbiz writer.

May air of mystery at parang may distance si Rhian kaya hindi siya ang type ng showbiz personality na katsika ang lahat.

Pero Rhian is one lady of substance, may laman ang utak, very classy at very sincere. Nagustuhan ko ang ugali niya dahil ibang-iba ang kanya sa ibang mga artista.

Ang classy personality ni Rhian ang nagbibigay sa kanya ng aura of confidence kaya hindi ko akalain na ang birthday celebration niya this year, gusto niya na gawin sa isang depressed area sa Valenzuela.

Gusto ni Rhian na magkaroon ng medical, dental at eye check up ang mga tao sa Valenzuela para gumaan-gaan ang pakiramdam ng mga maysakit.

Hindi ko inakala na gugustuhin ni Rhian na mag-immersed sa ganoong situation na very timely at talagang malaking bagay sa panahon ngayon na marami ang kailangan ng  check up.

Ito ang maganda kay Rhian, hindi nakatakip ang kanyang mga mata sa mga nangyayari sa paligid. Alam niya kung alin  ang ayusin at kung sino ang mga dapat tulungan.

Happy birthday Rhian Ramos, may you continue to be happy and contented. You are an amazing lady, a person full of love.

 

MARJORIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with