Gretchen at Marjorie
Malalim na ‘baho’ inilantad sa publiko Gretchen at Marjorie pasabog ang mga bintang sa isa’t isa!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Gretchen: “some of the most poisonous people come disguised as family”  

Grabe mas bongga sa mga napanood kong teleserye / k drama ang nagaganap sa pamilya Barretto.

Sa Instagram story ni Gretchen kahapon, mababasa ang quote na “some of the most poisonous people come disguised as family.”

Sa pangalawang picture naman ay “will she also admit to all who the father of her last child after denying for many years?”

Ito ay matapos ang matinding sagutan nila ni Marjorie sa social media kahapon.

Naunang nag-post si Marjorie ng “There are very disturbing news going around right now. All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children. But nothing can get lower than this.

“Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one. They have tried so hard over the years to destroy my name, I have nothing to lose anymore at this point.

“I love my family very much, they are my core. I am all for reconciliation. We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital.

“It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras.

“Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake.

“May I request everyone to allow our family to grieve, it’s our last day with our Father today. Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest, then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH.

“I would like to ask for prayers too. Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger.

“My sisters boyfriend is powerful in a very bad way (and I don’t mean Tony Boy) And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.

“And to our dear President Duterte, thank you for being there for the family and sharing in our grief. My apologies that your name was dragged into this. You were so kind to me. I will always be grateful,” ang caption ni Marjorie sa art card na may qoute na “narcissists try to destroy your life with lies. Because theirs can be destroyed with truth.”

Bumuwelta si Gretchen sa nasabing post ng kapatid.

Pasabog din ang post niya at sa sinasabing partner nitong si dating Mayor Echiverrie.

“Quoting Marjorie Baldivia este’Echiverrie

“WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE TRUTH & NOTHING BUT THE TRUTH ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME

“( heres a video that was forwarded to me by @marisol0125 MY TRUTH . This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie.

“( FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .

“YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL?

“I PLEAD NO ,IM SCARED.... AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY (like you say ) YES HE IS POWERFUL (in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY , I was told. Countless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES, AM I CORRECT? I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.

( ONLY REQUEST OF @claubarretto IS FOR HIM TO NOT BE IN THE WAKE DUE TO TRAUMA,” pasabog ni Gretchen sa kanyang IG account.

 Magkakakampi na diumano sina Gretchen, Claudine at ang kanilang ina na si Ms. Inday sa kasalukuyan habang si Marjorie ay kasama ang mga kapatid nitong sina Mito at Guia.

Habang sinusulat ito ay wala pang sagot si Marjorie o si Claudine sa pasabog ni Gretchen na nakitang naki-party nung Thursday habang nagkakagulo sina Marjorie at Claudine.

Si Claudine ay isang cryptic post lang ng qoute na “are you proud of who you have become? I hope not” ang post kahapon.

Anyway, habang sinusulat namin ito kahapon ay hindi diumano natuloy ang sinasabing naka-schedule sanang cremation ni Mr. Miguel Barretto.

Nag-decide diumano ang pamilya na ngayong umaga na lang i-cremate si Mr. Barretto, ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine na namatay last Tuesday.

Sa Sunday pa sana raw ang original schedule ng cremation pero nag-decide na raw ang ibang miyembro ng pamilya na ngayon na i-cremate para nga makaiwas na sa gulo.

Mas tumindi pa nga kasi ang mga pangyayari sa ‘teleserye’ ng pamilya Barretto matapos ang gulo sa dalawang gabing lamay nito.

Una ay ang sabunutan ni Gretchen at pamangking si Nicole, at ang diumano’y pagwawala ni Marjorie.

Nung sumunod na gabi naman (Huwebes), ay may naganap na sumbatan at hampasan sa magkapatid na Marjorie at Claudine.

Matinding encounter diumano ang nangyari at hinimatay pa ang kanilang ina na si Mrs. Inday Barretto na itinanggi ng ibang nakakita.

Ayon sa source, dumating daw si Claudine na maraming kasamang bodyguard nung Huwebes ng gabi. Inabutan daw nito sina Marjorie at anak na si Julia. “Why are you here” dialogue daw ni Claudine kay Julia.

Hanggang magsigawan at naghampasan na raw ang magkapatid at sinisisi diumano ni Marjorie si Claudine sa pagkawala ng ama dahil nangangailangan ito ng pera sa pagpapa-detox nito.

 At ang saksi daw at nag-try na awatin ang magkapatid, si Edu Manzano.

Nagpa-medico legal na raw si Claudine at nagpunta ng hospital habang si Mrs. Inday ay hindi na dinala sa hospital at pinagpahinga na lang.

Worried na raw ang ibang miyembro ng pamilya dahil baka magkagulo na naman.

Panay na rin daw kasi ang iyakan ng mga apo ni Mr. Barretto at nakayakap sa casket nito sa tuwing magkakaroon ng gulo sa wake.

Kawawa naman si Mr. Barretto. Kung sa ibang pamilya nga ay nagkakasundo pag namamatayan, sila ay kabaliktaran ang mga nangyayari.

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with