The Heiress ni Maricel ipapalabas na agad ni Mother Lily!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

Feel na feel ko ang sadness ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films nang ihayag noong Miyerkules sa Club Filipino ang eight official entries sa filmfest this December.

I cannot imagine the festival na walang entry ang Regal na halos taun-taon ay talagang pulsating with energy dahil may panahon pa noon na dalawang pelikula ang entry ng movie company ni Mother Lily.

I’m sure, umasa rin ang fans ni Maricel Soriano na mapapanood ito sa 45th Metro Manila Film Festival sa pelikulang The Heiress.

Talagang inasahan ng lahat na makakasali sa MMFF ang Maricel na, Regal pa.

Hindi man pinalad, nakita natin ang pagiging sport ni Mother Lily na number one supporter ng Mowelfund at hindi maikakaila na haligi siya ng Philippine movie industry.

Ginabi tuloy ang uwi ko ng Miyerkules dahil binantayan namin si Mother Lily. In fairness, magaganda naman  ang entries at mukhang mas malaki ang kikitain kesa sa kinita last year.

Successful si Noel Ferrer dahil na-sustain ang excitement ng lahat na dumalo sa presscon. Maayos ang presentation at magaganda ang  trailers ng pelikula na kasali.

Don’t worry Mother Lily, marami pang susunod at Maricel Soriano ‘yan, tiyak na marami ang gustong makapanood ng The Heiress na ipapalabas na nila sa November 27 bilang hindi nga nakasali sa MMFF 2019.

At least, mapapaaga ang showing ng The Heiress kaya hindi na matatagalan ang paghihintay ng fans ni Maricel.

Baka nga blessing in disguise ang non-inclusion ng The Heiress sa Metro Manila Film Festival tulad ng nangyari sa Just A Stranger ng Viva Films.

Nalungkot ang fans ni Anne Curtis dahil naligwak sa Pista ng Pelikulang Pilipino noong nakaraang buwan ang Just A Stranger.

Ang ginawa ng Viva Films, ipinalabas sa mga sinehan noong August 21,  ang pelikula nina Anne at Marco Gumabao at hindi sila nagkamali ng desisyon dahil pinilahan sa box office ang pelikula na kumita ng more than P100 million.

Sunod ni Carmina malaki ang chance  

Kasama ni Carmina Villarroel na dumating sa announcement ng Magic 8 ng Metro Manila Film Festival ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi.

Si Carmina ang star ng Sunod, ang horror movie na official entry sa December film festival.

Hindi na kabado si Carmina dahil alam niya na official entry sa MMFF ang kanyang pelikula na ipinalit sa Kampon, ang disqualified movie ni Kris Aquino.

Malaki ang chance na pilahan sa takilya ang Sunod dahil ito ang nag-iisang horror movie na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Excited na si Carmina sa nalalapit na pagsisimula ng Metro Manila Film Festival dahil ngayon lamang uli siya nagkaroon ng entry. Dalaga pa si Carmina nang magkaroon siya ng movie na kasali sa December film festival.

Manay Ichu nangangailangan ng dasal

Isa sa nakadagdag sa sadness ko sa announcement ng eight official entries sa MMFF ang opening prayer ni Boots Anson Roa.

Hiniling kasi ni Boots sa lahat na isama sa pana­langin si Manay Ichu Maceda na isa rin sa mga haligi ng Philippine movie industry.

Nagkaroon ng MMFF dahil isa si Manay sa mga founding member. Magkasama sila ni former President Joseph Estrada sa pagtataguyod ng film festival na Manila Film Festival pa lang ang pangalan noon.

Ipagpatuloy natin ang pagdarasal para sa kalusugan ni Manay Ichu na napakalaki ng kontribusyon sa Philippine cinema.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with