Baron tsinugi na ni Coco!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

Babu na pala sa Ang Probinsyano si Baron Geisler.

So babalik nga ba siya sa rehab? Maalalang hindi pa natatagalan nang kumalat ang isyung tsutsugiin na nga siya sa serye ni Coco Martin.

Nauna nang sinabi ni Baron sa isang interview na may bago siyang negosyo kaya tanggap naman niya kung ‘papatayin’ ang pagiging Bungo niya sa serye. Miyembro din siya ng Knights of the King Circle Internatio­nal Inc., isang congregation na kumikilala sa ‘Holy Spirit’ ang actor at nag-aaral daw siyang mag-pastor.

May sarili na rin daw siyang media company.

Speaking of Ang Probinsyano, nagbigay ng kulay at saya ang cast ng  FPJ’s Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco sa ginanap na Kapamilya Karavan sa Naga noong Peñafrancia Festival.

As always, matindi ang naging hiyawan ng mga tagahanga nina Coco at Yassi Pressman na umawit at sumayaw para sa mga Bikolano sa SM City Naga open parking area. Dumagundong din ang lugar sa tawanan dahil sa mga baong pakulo at biro nina Basilyo, Smugglaz, PJ Endrinal, at Empoy.

Samantala, Biyaheng Bacolod City naman ang Kapamilya Karavan ngayong Sabado (Oktubre 19) para sa Masskara Festival, kung saan handa nang umindak kasama ang mga Kapamilya ang cast ng Sandugo at The Killer Bride.

Abangan sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Elisse Joson, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Joshua Garcia, Geoff Eigenmann at ang 1st Asian Contents Awards Best Actress na si Maja Salvador sa Gaisano City Parking Lot ng 4:00 p.m. o kaya ay panoorin ang programa via livestream sa Choose Philippines YouTube channel.

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with