Alfred sandali lang sa Magkaagaw...
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

Hindi nakadalo si Cong. Alfred Vargas sa presscon ng Magkaagaw noong Lunes dahil sa previous commitments niya pero nag-taping siya noong Martes para sa kanyang mga eksena.

Originally, four taping days lang ang participation ni Alfred sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood sa October 21 pero humaba nang humaba ang role niya.

Mula sa apat na araw, naging sampung araw ang taping ni Alfred dahil pinaganda nang husto ang mga eksena, lalo na ang pilot episode na talagang ginastusan nang husto ng Kapuso Network.

Kahit sandali lamang ang exposure niya sa Magkaagaw, sinabi ni Alfred na maganda ang kuwento ng drama series na dapat tutukan at subaybayan ng televiewers.

Sen. Manny walang tinatanggihang alok na pelikula

Nagkaroon ng kontrobersya tungkol sa life story ni General Miguel Malvar na pagbibidahan ni Senator Manny Pacquiao dahil tumututol ang isa sa mga apo niya kaya hindi pa malinaw kung matutuloy ang project.

Isa lang ang sigurado, may another movie si Papa Manny na siya ang bida at pang-international release dahil co-producer ang isang major US studio.

Freedom Fighters ang pamagat ng pelikula at sisimulan ang shooting nito sa susunod na taon.

Gagampanan ni Papa Manny ang role ni Macario Peralta, Jr., ang namuno sa pakikipaglaban sa mga Hapon sa Panay Island noong World War II.

Ang akala ko, wala nang interes si Papa Manny sa pag-arte mula nang mahalal siya na senador noong 2016 pero dahil maganda ang project, tinanggap niya ang offer bilang lead actor ng Freedom Fighters.

Young actress itinanggi ang relasyon sa babae

Natsitsismis na tomboy ang isang young actress dahil very manly ang kanyang mga kilos at pananalita.

Itinanggi na ng young actress ang tsismis na kapwa babae rin ang type niya pero walang naniniwala sa kanya dahil sa balita na may girlfriend siya na walang koneksyon sa showbiz.

Walang magagawa ang mga intrigera as in hindi nila mapipilit na umamin ang aktres dahil ang career nito ang nakataya.

Maghintay na lamang sila ng tamang panahon dahil sooner or later, lilitaw rin ang katotohanan bilang walang puwedeng ilihim, lalo na sa showbiz.

KZ naloka nang makumpara

Grateful kay KZ Tandingan ang mga producer ng The Art of Ligaw dahil nagmagandang-loob siya na mag-compose at mag-record ng dalawang kanta para sa pelikula nila ni Epy Quizon sa showing sa cinemas nationwide sa November 13, 2019.

Madalas nang pinapatugtog sa FM stations ang kanta na nilikha ni KZ para sa launching movie nito.

Saludo si Epy kay KZ dahil first time nito na umarte para sa big screen pero natural na natural daw ang acting ability ng petite singer na iyak nang iyak nang marinig niya ang mga papuri ng anak ng Comedy King Dolphy.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with