Babaeng personalidad lampas pa sa isang bus ang mga lalaking naka-churvahan!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

Sa isang umpukan ay naging sentrong paksa ang isang kilalang babaeng personalidad na pinalad na sumikat. Pinagkuwentuhan ng mga nandu’n ang mga nakarelasyon niya.

May artista at hindi, may pulitiko at militar, ayon sa isang source sa umpukan ay literal na hindi magkakasya sa isang bus ang mga lalaking nakasabay sa paglipad sa kaligayahan ng kilalang aktres.

Sabi ng sutil na source, “Ay, puwede rin pala silang kumasya sa bus! Pero kailangang double-decker ‘yun! Ang dami-dami kasi niyang naging karelasyon, panandalian man, matagal, puwede rin namang nakatikiman lang niya!

“Meron siyang nakarelasyong male personality na katulad din niyang malikot sa aparato. Sa unit niya madalas nagpupunta ang male personality para sa kanilang sexcapade.

“Nakakaloka ang nangyari! Nagkasalubong sila sa elevator ng politician na kachurvahan din ni ____(pangalan ng female personality na may malulusog na dibdib), aakyat siya at pababa na ang pulitiko.

“Hindi nila alam na pareho nilang pinupuntahan du’n ang sexy actress. Magaling siya sa scheduling, very professional siya sa anggulong ‘yun, magtagpo man ang mga kulukadidang niya, e, sa labas na ng unit niya!

“Pinagalitan ng manager niya ang male personality, pinatatantanan sa kanya ang malikot pa sa hipon na sexy actress, ang sabi ng manager sa alaga niya, ‘Naku, ha! Tigilan mo na ang pakikipaglandian sa babaeng ‘yun! Baka magdelikado pa ang buhay mo! Paano kung ma-in-love sa kanya ang isang militar, baka mahuli kayo, baka ‘yun pa ang ikamatay mo!’

“Pero hindi nakinig ang male personality, ang galing-galing daw kasi sa bed ng sexy actress, nakakalimutan daw niya ang apelyido niya kapag nagsimula na siyang paligayahin ng babae!

“Nakakaloka siya! Meron siyang totoong boyfriend, pero marami siyang kulukadidang, saganang-sagana siya dahil puro pangyayamanin ang mga regalong tinatanggap niya mula sa mga kachurvahan niya!

“Pero bumabagsak ang katawan habang tumatagal, hindi na bumabata ang female personality, kaya ang katawan niya, e, parang sunflower na yumuyuko na rin!

“Sa dami ng mga nakasama niya sa kaligayahan, e, masuwerte pa rin siya, may isang lalaking tumotoo sa kanya, pinakasalan pa siya!

“Ay, tama na ang kuwento, sangkatutak nang clue ang nakapaloob sa istorya ng female personality na ‘yun. Todong-todo na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Gretchen wala sa hitsura na nagluluksa sa namatay na ama

Ang unang lumabas na balita ay wala sa bansa si Gretchen Barretto. Nasa Banff, Canada raw siya, dumalo sa kasal ni Alyssa Martinez, kaibigan niya kasi ang pamilya nina Albert at Liezl.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit kahit nagdedelikado na ang buhay ng kanyang amang si Daddy Mike ay hindi siya nakadadalaw sa ospital. Nandu’n palagi ang kanyang mga kapatid, siya lang ang wala, at natural lang na ang wala ang hinahanap.

Pero nandito lang pala si Gretchen, may video pa nga siya habang nasa hardin ng kanilang mansiyon, nagga-gardening siya.

At si Gretchen mismo ang naglabas sa kanyang Instagram account habang nasa sabungan siya ni Atong Ang nu’ng nakaraang Lunes, kumakain siya ng bibingka, wala siya sa ibang bansa.

Nakakalungkot na hanggang sa pumanaw na ang kanyang ama ay hindi man lang siya sumilip, parang balewala lang sa kanya ang pagluluksa ng kanilang pamilya, mas ginusto pa niyang magpunta sa sabungan kesa sa dalawin ang kanyang ama.

May puso si Gretchen, sa kanyang pag-iisa ay unti-unting magbabalik sa kanyang alaala ang masasayang araw nila ni Daddy Mike, ang unang lalaking nakasayaw niya nang mag-debut siya.

Ang pinakaunang lalaking nagmahal sa kanya nang walang kundisyon, ang dahilan kung bakit siya naging tao, hindi ‘yun matatakasan ni Gretchen.

Naghihintay pa rin ang marami sa pagbabago ng kanyang desisyon, sana raw, kahit sa pinakahuling sandali ay makapagbigay-respeto siya sa kanyang ama bago tuluyang ilibing.

Harinawa.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with