Bashers/haters nagpa-OA sa me time ni Marian sa traffic!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

Sobra naman ang reaction ng mga negatron kay Marian Rivera-Dantes at ito talaga ang hindi ko rin maintindihan, ang galit natin sa traffic.

Kung traffic lang, ganoon na tayo ka-stressed at galit lalo na siguro sa mas malalaki na problema.

Ang traffic, given na, nandiyan na at mahirap nang iwasan pa kaya wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na parte na ‘yon ng buhay natin.

Dahil ba sa traffic hihinto na ang takbo ng buhay natin? Dahil ba sa traffic, hindi na gagalaw ang araw mo?

Totoo naman at kahanga-hanga nga na hindi nagpapaapekto si Marian sa traffic. Bakit nga naman dapat uminit ang ulo niya at masira ang araw sa isang bagay na hindi naman magagawan ng solusyon ng kahit na sino, pati na ng gobyerno?

‘Di ba ako mismo ang nagsabi na para huwag mainis sa mga oras na nasa gitna tayo ng traffic jam, gawin natin ang mga bagay na kapaki-pakinabang.

Kapag uminit ang ulo natin at ma-stress tayo sa traffic, may magagawa ba na solusyon?

Totoo rin na kung gusto natin na huwag ma-late o maghabol ng oras dahil sa traffic situation, umalis tayo nang maaga mula sa mga panggagalingan natin.

Apektado naman ang lahat ng traffic pero kung may nagagawa tayo na paraan, bakit kailangang isisi sa iba?

May mga solusyon na ginagawa ngayon para malutas ang problema sa traffic, maghintay na lang muna tayo at umasa na baka maayos.

Lahat naman ng bansa, may problema sa traffic at naranasan ko ito nang magpunta ako sa Bangkok,  Vietnam, Korea, Hongkong at Tokyo.

Hindi lamang sa Pilipinas may problema sa traffic pero tuloy ang buhay ng lahat.

Kung okey kay Marian ang traffic dahil may mga solusyon siya na naisip para hindi mainis, bakit tayo magagalit?

Kung ayaw niya na magpaapekto, bakit affected ang ibang mga tao?

Ang pagiging reklamador ang isang masamang ugali natin kaya kapag nakakapag-adjust ang iba, hindi nila maintindihan at hindi matanggap

Hindi nila ma-practice na ang mga problema hindi dapat dinadala nang mabigat dahil maaayos din ito.

Kung ano ang pakiramdam at opinyon ni Marian tungkol sa traffic, tanggapin ninyo or better yet, gayahin n’yo siya para maging maganda rin kayo tulad niya.

Jeric waging Best Single Performance by an Actor 

Hindi na maabot si Jeric Gonzales, ang lead actor ng Magkaagaw, ang bagong afternoon drama series ng GMA-7.

Hindi na puwedeng isnabin si Jeric dahil award-winning actor na siya. Si Jeric ang nanalo sa kategor­ya ng Best Single Performance by an Actor sa Star Awards for Television na ginanap noong Linggo nang gabi.

Nag-win si Jeric para sa kanyang role sa Magpakailanman episode na may title na Male Sex Slave sa Saudi.

Hindi na puwedeng mag-dialogue si Ruru Madrid ng alam na ng lahat ang talagang nanalo sa Protégé dahil pareho na sila ni Jeric na may acting award.

Last year, si Ruru ang nanalo sa Best Single Performance by an Actor cate­gory ng Star Awards for Television at tulad ni Jeric, nag-win siya para sa acting niya sa isang episode ng Magpakailanman.

May hatid talaga na suwerte si Joe Barrameda sa mga aktor na tinutulu­ngan niya dahil nananalo sila ng mga acting award sa award-giving body ng Philippine Movie Press Club.

MARIAN RIVERA-DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with