Tony Labrus­ca
Kahit feeling misunderstood, Tony ayaw nang mag-isip ng nega!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

Single pa rin sa ngayon si Tony Labrus­ca dahil wala umanong panahon ang aktor sa love life. “Ako hindi talaga. Baka one day mangyayari sa akin na mabaliw na ako kasi nabigay ko na lahat tapos wala pa rin. Sana naman I don’t get misunderstood but I really want to put myself first and I hope that doesn’t sound wrong. I hope that doesn’t sound selfish. But I think I owe it to myself na it’s time I have to put myself and my family first before I do that to somebody, put them first and lose all the blessings that I’ve been given. For me hindi po talaga,” nakangiting pahayag ni Tony.

Magtatatlong taon na sa show business ang aktor. Matatandaang naging finalist si Tony sa Pinoy Boyband Superstar noong 2016. Mula noon ay maraming mga bagay na ang natutunan ng binata nang sumabak sa mundo ng showbiz. “In showbiz, you say something and it gets multiplied into a hundred times. It gets put into a bigger proportion. You know people take things the wrong way. I think it’s part of our job na we’re always getting misunderstood. But I think it’s about how you handle yourself when you get misunderstood that really puts the test to your character,” paliwanag ng aktor.

Hanggang maaari ay ayaw na raw isipin ni Tony ang negatibong mga bagay na ibinabato tungkol sa kanya. “A lot of people these days who get misunderstood will lash out and for me, even though that’s what I want to do as well. It’s my responsibility, I want to change people’s perspective. To be responsible, to react in a way that they would not expect, to act out of love, to act out of kindness, even though I’m being misunderstood,” paglalahad niya.

Elisse, umiiwas sa relasyong Mccoy at Miles

Kontrobersyal ang naging paghihiwalay nina Elisse Joson at McCoy de Leon bilang magkasintahan noong isang taon. Ngayon ay si Jameson Blake na kaibigan at kasamahan din ni McCoy sa grupong Hashtags ang nauugnay sa aktres. “Siguro nakalabas kami a couple of times, ganyan. Walang ‘I love you,’ comfortable sa isa’t isa. He made it clear naman na may gusto siyang mangyari, may gusto siyang mapuntahan sa kung ano man ‘yung amin ngayon. Hindi niya sa akin sinabi directly (na gusto niya ako maging girlfriend), sa mom ko siya nagsabi,” pagtatapat ni Elisse.

Kamakailan ay napabalitang si Miles Ocampo na ang bagong ins­pirasyon ni McCoy. Masaya naman daw si Elisse para sa kung ano man ang mayroon kina McCoy at Miles. “Parang labas na ako doon eh. Wala na ako ding masabi. Kasi for me, if you like someone, okay naman din,” giit ng dalaga.

Wala ng komunikasyon sina Elisse at McCoy at naayos na rin ang gusot sa pagitan ng dalawa. Aminado ang dalaga na talagang nasaktan siya sa paghihiwalay nila ng aktor. “Sobra, Tito Boy. It took a while, actually Tito Boy masasabi ko na hindi na talaga mawawala na ‘yon. It’s always gonna be there, part na ‘yon ng life ko but everyday lang it’s just easier na,” makahulugang pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

TONY LABRUS­CA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with