^

PSN Showbiz

Aktres na dating walang kasing maldita at feeling super sikat, biglang sinapian ng kabaitan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktres na dating walang kasing maldita at feeling super sikat, biglang sinapian ng kabaitan!

Akala ng iba ay nananaginip lang sila. Parang hindi totoo ang harap-harapan nilang nakikita. Ang dating malditang female personality, nakangiti na, at bumabati pa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho!

Hindi raw kaya binabangungot lang sila? Anyare nga naman at ang ngiti ng female personality na napakatagal nilang hindi nakita ay ayun na ngayon, lumilitaw na!

Dati nga naman ay walang kasing maldita ang medyo nagkakaedad nang aktres na ‘yun, marami siyang reklamo, hindi siya marunong makisama at talagang ayaw sa kanya ng mga nakakatrabaho niya.

Kuwento ng aming source, “May dahilan ang kababalaghang ‘yun! Nakarating na kasi sa mga bossing ng network ang kalbaryo ng production staff sa pakikipagtrabaho sa kanya!

“May mga umaayaw na kasing makatrabaho ang babaeng ‘yun na feeling pinakasikat na siyang artista sa balat ng lupa! Kumita lang ang mga pelikula niya nu’n, akala niya, e, wala nang katapusan ang success niya!

“May sariling mundo kasi ang babaeng ‘yun! May harang siya sa kapwa niya, marami siyang ipinagbabawal kapag nasa studio na siya. Bawal ang maingay sa paligid dahil nasisira kuno ang concentration niya!

“Meron naman kayang studio na hindi mai­ngay? Natural, nagbubuhat ng mga props ang mga crew, nag-uusap-usap ang mga staff sa magiging takbo ng show!

“Masyado siyang maarte at maldita, kaya maraming staff ang umaayaw nang makatrabaho siya,” madiing kuwento ng aming impormante.

Nakarating ang mga reklamo sa mga tagapamuno ng network, may kumausap sa female personality, hindi man diretso ang pagkakasabi ay nahulaan ng female personality na sisibakin na lang ang kanyang show kapag ganu’n.

Balik-kuwento ng ­aming source, “O, di naloka siya! O, di nagi­sing siya sa katotohanan na kapag hindi niya inayos ang ugali niya, e, matsutsugi pala ang kanyang programa?

“Kaya nu’ng sumunod nilang taping, e, parang naaalimpungatan ang mga nandu’n sa set, nakangiting bumabati sa kanila ang malditics na female persona­lity!

“Hindi na rin siya nagrereklamo kesehodang kumakayod sa floor ang mga props para sa show niya! Behave na behave na ang babaeng feeling na feeling dati na siya na ang pinakasikat at pinakamahusay na aktres ng kanyang panahon!

“Panglalaki pa naman ang name niya, pero kung makaarte siya, e, talagang ikasusulasok mo!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden may karapatang lumigaya

May karapatang lumigaya si Alden Ri­chards. Nagtatrabaho siya nang halos maghapon at magda­mag. Kailangan niyang premyuhan ang kanyang sarili sa mga pagsisikap na ginagawa niya.

Ano naman ang masama kung maging interesado siya kay Lisa Manoban ng sikat na grupong BlackPink?

E, ano naman ngayon kung nila-like niya ang mga posts ng magandang performer, nababawasan ba nang ilang gatang ang ating palabi­gasan kung crush man niya ang miyembro ng Blackpink?

Emosyon niya ‘yun, damdamin niya, hindi natin hawak. Bakit kasi ipinagduduldulan sa Pambansang Bae ang taong hindi niya naman gusto?

Lantad na ang katotohanan na meron nang boyfriend si Maine Mendoza, maligaya na sila sa piling ng isa’t isa ni Arjo Atayde, pero bakit hanggang ngayon ay may mga namba-bash pa rin kay Alden dahil bakit daw hindi si Menggay ang niligawan niya?

Nagpakatotoo na sila ni Maine nu’n pa man na hanggang sa pagiging magkapareha lang at pagkakaibigan ang simula at wakas ng kanilang relasyon.

Kung talagang para sila sa isa’t isa, dyusmio naman, 2015 pa ipinanganak ang kanilang loveteam, sa tagal ng panahong nagkasama sila nang halos araw-araw, dapat ay sila na ang magkarelasyon nu’n pa.

Pero walang nangyari, walang magneto ng pag-iibigan sa pagitan nila, kaya dapat unawain ng mga namba-bash kay Alden na kung maligaya na ngayon si Maine kay Arjo Atayde ay dapat din namang maging maligaya ang sikat na aktor.

Para it’s a tie ang laban!

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with