Alden ‘nangumpisal’ na kay Blackpink Lisa

Dedma pa hanggang kagabi ang member ng sikat na Korean pop group Blackpink na si Lisa Manoban sa post ni Alden Richards na “Yung tinitingnan mo lang siya sa malayo...”

Naka-tagged nga kasi si Lisa sa post ni Alden.

Kaya lang, four languages lang daw ang ang naiintindihan nito -English, Korean, Japanese and Thai.

 Si Lisa ang sinasabing pinaka-popular sa pinaka-magandang member ng Blackpink.

Magtagumpay kaya si Alden sa kanyang ‘pagtingin’ kay Lisa? Or mapansin man lang kaya ang post ng actor.

 Nagkaroon ng fan meeting sa Manila ang Blackpink last June.

Show comments