Isa pang pelikula ni Pacman gagastusan ng $32M
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Kung may pelikula si Sen. Manny Pacquiao tungkol sa isang bayani na taga-Batangas at sinasabing may budget na P100-M, meron pa siyang isa pang movie na gagawin na pinamagatang Freedom Fighters na tungkol din sa kasaysayan ng ating bansa na kuwento ni Macario Peralta, Jr., at tungkol naman ito sa pananakop ng mga Hapones sa ating bansa nung World War II.

Foreigner ang sumulat ng kuwento na si Tony Scott at ang magdidirek ng project na si Francis Ho. Isa rin ang Pambansang Kamao sa prodyuser ng Freedom Fighters na may budget na $32M.

Magbibigay ito ng confusion sa mga manonood dahil parehong si Pacquiao ang bida, naiiba lamang ang makakasama niya sa dalawang movies, dito sa FF na ang inaawitan ay sina Cesar Montano, Angelica Panganiban, Piolo Pascual at ilang artista sa Hollywood.

Carlo nagpapa-humble sa mga papuri ni Maine

Parang ‘di na kailangang magpaka-humble ni Carlo Aquino sa mga papuring ipinagkakaloob sa kanya ng kanyang kapareha sa Isa Pa with Feelings na si Maine Mendoza dahil napatunayan na niya na ‘di lang siya guwapo kundi isa ring magaling na aktor.

He should not feel intimidated sa mga papuri ng kanyang phenomenal leading lady dahil deserved niya ang mga magagandang sinasabi nito tungkol sa kanya. 

Mga celebrity na nago-gong sa TNT hirap makabangon sa kahihiyan

‘Yun na nga ang inaalala ko, ang ma-gong ang sinumang lalahok sa Celebrity Champions, singing contest para sa mga kilala na sa pagkanta na isinasagawa sa programang It’s Showtime habang hindi pa nagsisimula ang 4th season ng Tawag ng Tanghalan. Mahihirapan ang sinumang makakalembang na makabangon sa kahihiyang malalasap nila, katulad ng nangyari kay Shirley Fuentes na nagsisimula pa lamang na balikan ang kanyang pagkanta.

Isang dating myembro ng That’s Entertainment ang nabigong contes­tant na magaling namang kumanta pero, hindi pang-kontes ang boses. Tsk. Tsk. Tsk.

Mga talunan sa TNT may career na rin

Kahit ang mga grand finalist ng Tawag ng Tanghalan 3 na sina Jonas Onate at Kim Nemenzo ay naniwalang si John Mark Saga ang dapat na tinanghal na kampiyon sa pinakahuling TNT. Hindi na marahil masasaktan pa rito ang nanalong si Elaine Duran na siya mismo ay naniniwalang pwede siyang talunin ng first runner up niya. 

Maganda ‘yung participation nilang mga natalo sa pakontes dahil panay ang paggi-guest nila sa showdown na isa sa mga tampok na segment sa selebrasyon ng 10th anniversary ng programa nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle at mga kasama. May exposure pa sila at siguro naman ay may ekstrang kita sa pagkanta nila.

Pelikula nina Alice at Aga pasok sa Danish Filmfest

Hindi pa napapanood dito ang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson na kinuan sa Greenland pero, nakasali na agad ito sa Danish Film Festival.

Manalo sana ng kahit anong award ang movie dahil magsisilbi ‘yung magandang promosyon ng nagbabalik na aktor at maski na ni Alice na nagpahinga rin pala bago ang movie.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with